"NAKARAAN" by:ISBN

in 4 •  7 years ago  (edited)

Ang daming pagkakataon
Pero ikaw di parin
Ang daming pagkakataon
Para ika'y kunin sakin

Pero di kita pabayaan
Hangga't may panahon
Hangga't may pinaghahawakan
Tayo'y iisa parin

Kunin ka man sa akin
Sandamakmakang pagkakataon
Hindi ako susuko sa sinumpaan
Ikaw at ako ang magkakatuluyan

Sabay tayo pumunta sa simbahan
Sabay rin tayo lalabas sa sinumpaan
Ika'y susuko na,aking paghigpitan
Paghigpitan ang mga kamay na naghawakan

'Wag ka lang bumitaw pangako di kita susukuan
Lalabanan kita sa mga taksil sa ating pagmamahalan
Laban lang walang bitawan
Tatlong deka tayo'y nagsumpaan

Hanggang sa iyong pagtanda tayo'y tatayo ng tahanan
Isang magaganda't gwapong bata galing sa ating pagmamahalan
Ako ang ilaw ng tahanan
At ika'y haligi ng tahanan

Tayo'y tatayo ng isang magandang pamilya na pinagkait sa atin
Salamat sa alaala hanggang ngayo'y ito ang pinaghawakan
Kunting tiis,kunting panahon
Tayo'y muling magkakasama panghabang buhay na kantahan

Sa buhay na diko ipagkakait sayo,magpakailanman
Huwag ka lang bumitaw mahal kong katamtaman
Ang matatamis kong "I DO" sayo ilalaan
Matamis na halik ating pagsaluhan

-1:30pm
March 20,2018
Tuesday

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!