Masakit isipin na may mga magulang na nagpabaya sa kanilang mga anak. Nasapreschool pa pero pinabayaan na ng mga magulang, napakasakit mang isipin na naglalakad ang bata patungo sa entablo dahil ay graduation day pero napakasakit isipin na sya lang mag isa walang magulang na kasama,parang piniga sa sakit ang aking naramdaman dahil sa aking nakikita,sana para sa ating mga magulang kahit na anu mang problimang dumating sa ating buhay huwag naman natin pabayaan ang ating mga anak dahil kawawa sila.
Para sa ating mga magulang kahit anu mang dinanas natin sa buhay isipin naman natin ang ating mga anak,mahalin natin sila at ipakita sa kanila kung gaanu kahalaga sila atin, dahil sobrAng hirap ng kabataan kung itoy ating pinabayaan,and sakit isipin na sa murang idad wala ng mga magulang na gumagabay,kaya sa atin na mga magulang dapat huwag nating pabayaan ang aging mga anak lalo kapag itoy maliit pa,sobrang sakit ng aking nararamdaman nong tinanong ko ang bata kung saan ang mama o papa niya at sinabi sa akin na wala, napakalungkot isipin na sa murang idad ay wala ng mga magulang na gumagabay,kaya sa panahon ngayon marami ng mga kabataan na nalolong sa masamang bisyo dahil na rin sa mga magulang,
Maraming mga kabataan ang napahamak dahil sa mga magulang, maraming mga bata ang gumagawa ng dahas dahil sa kapabayaan ng mga magulang, kaya para sa atin na mga magulang kailangang pahalagahan natin ang ating mga anak dahil Hindi natin sila ipinanganak Hindi natin sila niluwal dito sa mundo para lang pabayaan, Hindi natin sila binigyan ng buhay para lang magsakripisyo at para lang pahirapan,binigyan natin sila ng karapatan na mamuhay dito da mundo dahil sila ang buhay natin sila ang kasayahan natin at silay ating inspirasyon para sa mga minimithi natin sa buhay, kaya huwag nating bayaan ang ating mga kabataan mahalin at aarugain natin sila dahil sila ang buhay natin.