BA17 — Baybayin 17

in baybayin •  6 years ago 

BA17


Kilala ang Panitik Tagalog bilang Sulat Baybayin/Baibayin na may labimpitong (17) simbolo o karakter: tatlong (3) patinig at labing-apat (14) na katinig. Ang bagong katawagan na BA17 o B17 ay ginagamit upang makilala ang pagkakaiba ng sinaunang Baybayin sa mga pangkasulukuyang panitik na gumagamit ng higit pang 17 simbolo.

3 PATINIG


Ang tatlong (3) patinig nito na bigkas-Tagalog ay ang /a/, /i/, at /u/. Ang /i/ ay maaaring gamitin para sa patinig na /e/ at ang /u/ naman ay panghalili sa /o/. Ang /a/, /i/, at /u/ ay hindi binabasa na /ey/, /ay/, at /yu/ na bigkas-Ingles.

14 KATINIG


Ang bawat katinig naman nito ay isinusulat na may kasamang patinig na /a/.

Ito ang labing-apat (14) na mga katinig: Ba, Ka, Da, Ga, Ha, La, Ma, Na, NGa, Pa, Sa, Ta, Wa, at Ya.

Tandaan, sa BA17 o B17 ay laging may kasamang patinig na /a/ sa sinaunang anyo ng mga katinig. Hindi ito isinusulat na mga titik B, K, D, G, H, L, M, N, NG, P, S, T, W, at Y. Hindi rin ito binibigkas na gaya sa mga katinig sa wikang Filipino na mga /Bi/, /Key/, /Di/, /Dyi/, /Eyts/, /El/, /Em/, /En/, /Endyi/, /Pi/, /Es/, /Ti/, /Dobolyu/, at /Way/.



Sumali sa aming diskusyon sa Facebook:


Baybayinista
Baybayin Foundry
BAYBAYIN: B17 Ang Tunay na Baybayin
Sulong Baybayin Abril 21 #SBA21

Sulong Baybayin!
Mabuhay ang Baybayinista!

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Natutuwa akong makita kayo ulit! Aabangan ko ang mga susunod pang lessons tungkol sa baybayin. :-)

Salamat, @romeskie. ^^