Sipol — Gamit sa Pagsulat ng Baybayin

in baybayin •  6 years ago 

Isa ang Pilipinas, sa mga bansa sa Timog-silangang Asya, ang gumagamit ng mga manuskrito na yari sa pinatuyong dahon ng palmera. Ayon sa ilang mga mananalaysay, ang mga simbolo ng Baybayin ay iniuukit sa mga dahon ng palmera o sa balat ng kawayan sa pamamagitan ng sipol, isang matulis na bakal.


Itsura ng Sipol

Sa aklat na Barangay Sixteenth Century Philippine Culture And Society (1994) ni William H. Scott, ang sipol ay isang maliit na kutsilyo na ginagamit sa pagbalat ng mga prutas.

Ngunit sa ating pagsasaliksik sa mga kalapit na bansa na gumagamit ng mga manuskrito na yari sa palmera, ang gamit nilang mga matutulis na bakal ay tinatawag nilang panhinda o ulkatuwa.

Ganito ang mga anyo ng panhinda at ulkatuwa:

Panhinda



Mga ulkatuwa



Ang panulat na sipol ay maaring mas maiksi o kasinghaba ng panhinda o ulkatuwa at ito'y maaaring yari rin sa tanso.

Ano ang inyong masasabi?

Mga Sanggunian:




Sumali sa aming diskusyon sa Facebook:


FB Page | Baybayinista
FB Group | Baybayinista
BAYBAYIN: B17 Ang Tunay na Baybayin
Sulong Baybayin Abril 21 #SBA21

Sulong Baybayin!
Mabuhay ang Baybayinista!

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!