ANG AKING TALAMBUHAY NOONG AKO'Y BATA PA (MY BIOGRAPHY TAGALOG VERSION WHEN I WAS A KID)

in biography •  7 years ago 

images (7).jpg
BlogPostImage
Image Source(direct link to img)

Ako'y isang Pilipino
Ilalahad itong talambuhay
Isang batang nagsisikap sa buhay
Upang makamit inaasam sa buhay

Ngalan ko ay Sarah Canada
Siyam na taong gulang
Laking Negros Oriental at puno ng galang
Pagkat ito ang minulat ng aking mga magulang

Hirap man kami sa buhay
Ito ako't nagsisikap upang umahon sa buhay
Dahil kami'y salat sa pananalapi
Kaya't tingin sa sarili ay laging api

Kaya't bilang batang Pilipino
Ako'y naririto
Ngiti sa labi laging makikita mo
Pagkat patuloy ang paniniwala ko

Pag-aaral ay tatapusin
Na siyang isang pamana sa akin
Lahat ng hamon ay susubukin
Upang sa darating na bukas sagana ay nasa amin din

Salamat sa pagbasa po!
Sana'y iyong nagustuhan mga kaibigan kong mahal. Ito'y talambuhay noong ako'y bata pa. Salamat sa lahat steemians!

Xoxo,

Sarah

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!