" ISANG LIBONG PISO "

in books •  8 years ago 

ISANG LIBONG PISO.jpg

May isang kilalang "pastor" na tumayo sa pulpito para sa isang seminar, at nang siya ay nsa harapan na ng karamihan ay dumukot siya sa kanyang bulsa ng halagang ISANG LIBONG perang papel, at ipinakita sa lahat ng nakaupo na may mahigit isandaang katao. Sabay tanong, “Sino ang may gusto nitong isang libong piso?”

… Taasan ng mga kamay. “O sige,” sabi ng Preacher, “pero sandali,” tapos ay nilamukos nya ang ISANG LIBO na perang papel.

...At nagtanong na muli.., “O, sino pa rin ang me gusto nito?” Muli, taasan pa rin ng mga kamay ang mga tao.

“Okey,” sabi ng Pastor. “Pa’no kung gawin ko ito?” Itinapon nya sa lapag ang nilamukos na ISANG LIBONG PISO, at tinapakan ng maruming sapatos nya, pagkatapos ay dinampot at Ipinakitang muli sa mga nakaupong tao sa kongregasyon..

“Ngayon, sino pa rin ang me gusto nito?” Muli, taasan pa rin lahat ng mga kamay.

Sa pagkakataong ito ay nagpaliwanag ang pastor “Mga kapatid, may natutunan ba kayong aral?. Kahit anong gawin ko dito sa pera, ibig nyo pa rin dahil hindi nabawasan ang halaga nya. Isang libong piso pa rin ito. Maraming beses sa buhay natin, tayo’y naging marumi, bumagsak, inapakan, o nging patapon na parang isang basura, dahil sa mga desisyon at mga pangyayari sa buhay natin.

Minsan, ang palagay natin sa ating sarili ay wala na tayong halaga o importansya.

Ngunit anuman ang nangyayari o mangyayari sa buhay natin, hindi nababawasan ang halaga natin sa mata ng ating Diyos.

Malinis man tayo o marumi, inapakan o binasura man, ikaw at ako, maging ang lahat ng tao ay mahalaga para kay Kristo.

Psalm 17:8
God state that He will keep us, “as the apple of His eye.”.

To God be all the glory. "Amen"

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!