Sa isang malayong bayan sa timog-silangang bahagi ng Pilipinas nakatira ang isang dilag. Siya'y mag-isang namumuhay sa isang maliit na kubo. Wala siyang kahit sino na maaaring maituring niya na kapamilya.
Isang araw habang siya'y masayang naliligo sa isang batis, may nakita siyang isang lalaking nakalutang.
Agad niya itong dinala sa kaniyang munting kubo at doon ay tinulungan niya itong magpagaling. Makalipas ang ilang araw na paghihintay, sa wakas ay gumising na ang binata. "Sino ka?", tanong ng binata, "Ako si Maria", sagot ng dilag. Pinag-hapag niya ito ng makakain at agad na tinanong kung bakit siya napadpad sa kanilang bayan at kung ano ang kaniyang pangalan. "Ako si Ben", sagot ng binata. Lumipas ang ilang araw, hindi namalayang nahulog na pala ang loob ni Maria kay Ben.
Hanggang sa kailangan na ring bumalik ng binata sa kanilang lugar. Niyaya niyang sumama ang dilag ngunit ito'y tumanggi dahil sa kaniyang itsura. Nangako ang binata kay Maria na siya'y babalik upang makita siya.
Palaging naka-atang si Maria sa kaniyang bintana, umaasa na isang araw ay matatanaw niya ang pagbabalik ng binata. Ngunit ilang buwan na ang lumipas hindi parin bumabalik si Ben.
Malungkot na pumapunta si Maria sa batis, umaasang makikita niya doon si Ben. Hanggang sa isang araw, nakita siya ng isang matandang babae. Lumapit ang babae at tinanong kung ano ang iniindang kalungkutan ng dilag. Humagolhol sa iyak ang dilag nang ikwento niya ang kaniyang pagkasabik sa binata.
Dinala ng babae ang dilag sa kaniyang tahanan, at doon pina-inom niya ito ng likidong maaring magpaganda sa dilag. Tumalon sa tuwa si Maria dahil maaari na niyang puntahan ang binata sa lugar nito. Ngunit binalalaan siya ng matandang babae na hanggang limang oras lamang ang epekto ng mahika. Binigyan niya ng isang bote ng likido ang dilag.
Kinabukasan, agad na lumuwas si Maria upang hanapin ang binata. Hinanap niya ito kahit saan. Sa puntong nawawalan na ng pag-asa si Maria sa paghahanap, bigla nya itong nakitang kumakain sa gilid ng kalsada. Agad niya itong nilapitan, ngunit hindi maipinta ang mukha ni Ben nang sabihin ng dilag na siya si Maria. Ipinaliwanag ni Maria ang lahat ngunit tila hindi parin kombinsido si Ben sa mga sinabi ni Maria.
Araw-araw niyang pinupuntahan si Ben sa kaniyang pinagtratrabahuan, hindi niya namamalayan na unti-unti nang nauubos ang likidong binigay sa kaniya ng babae. Isang araw, nalaman ni Maria na may iniindang sakit si Ben. Bumalik si Maria sa kaniyang bayan at hinanap ang babae upang humingi ng tulong.
Binigyan ng babae si Maria ng isang pagsubok na maaari lang niyang malampasan kung siya'y may pananalig sa sarili. Nakamit ni Maria ang kaniyang hinahangad, binigyan siya nito ng isang likidong maaring magpagaling kay Ben.
Ngunit sa kaniyang pagbabalik, hindi na niya naabutang humihinga si Ben.
Araw-araw niyang pinagsisihan ang mga panahong hindi niya nakasama si Ben.
Araw-araw niyang nararamdaman ang lungkot at sakit sa pagkawala ng kaniyang iniibig hanggang sa siya ay binawian na rin ng buhay.
Nakaka sad naman ang ending pero maganda rin dahil may aral na dulot ang likha.
Hangga't may pagkakataon ipakita/ ipadama natin na importante ang tao para sa atin pero sana talaga umabot si Maria huhuhuhu.
Nawa'y palarin po kayo sa patimpalak ng @steemph.cebu at maraming salamat po sa paglikha ng Tagalog.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Maraming salamat po
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Congrats! 1st place sa patimpalak ang galing!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit