Literaturang-Filipino - Paligsahan sa paggawa ng Maikling Kuwento. (Contest#9)

in cebu •  7 years ago  (edited)


Ang @steemph.cebu ay kabilang sa proyektong itinatag ng @sndbox, ang "proyektong sndcastle". Bilang isang sndcastle, gusto ng @steemph.cebu na gumawa ng mga uri ng paligsahan o patimpalak kung saan maipapakita ng mga Pilipinong Steemian ang kanilang kakayahan sa pagsulat ng kahit anong klase ng literatura. Ito rin ay isang paraan para magkaroon ng interaksyon ang mga Pilipino sa isa't isa. Hinihikayat namin ang lahat na Pilipinong Steemian na lumahok sa mga paligsahang bubuohin namin sa Steemit. Ito ay para sa inyo! Palawakin ang Wikang Filipino!


Ano ang isusulat?

  • Maikling Kuwento

Kuwento na maaaring totoo o fiction lamang. Hindi dapat lalagpas sa 500 na salita at hindi bababa sa 300.

Tema ng Maikling Kuwento

  • Karangalan

Ito ay mga kuwentong nagpapahayag ng mga karangalang nangyari sa buhay ng may akda. Ito man ay sa trabaho, eskwela, komunidad, at iba pa. Maaari ring tungkol sa isang bagay na fiction o hindi-fiction na kaugnay sa karangalan na tema ng paligsahan.

Mga Alituntunin na dapat sundin sa pagsali

  • I-resteem at i-upvote itong post.
  • Ang gawang literatura ay dapat isulat sa wikang Filipino
  • Gamitin ang tag na #literaturang-filipino at #karangalan
  • Ilagay sa pamagat ang: "Literaturang Filipino"
  • Gumawa lang ng isang nilalaman o gawa.
  • Ilathala ang gaw sa loob ng 6 na araw pagkatapos malathala ang anunsyo.

Higit sa lahat, Sundin ang mga alituntunin sa pagsali!


Pagbabasehan ng Mananalo

Ang pagbabasehan ng mananalong gawa ay:

  • Dami ng mga salita o pangungusap o parilalang ginamit.
  • Ganda ng pagkagawa.
  • Kaugnayan sa Tema o Paksa at
  • Dami ng boto galing sa ibang Pilipino

Gantimpala

May tatlong mananalo sa paligsahan:

  • 1st - Makatatanggap ng 5 SBD
  • 2nd - Makatatanggap ng 3 SBD
  • 3rd - Makatatanggap ng 2 SBD
  • 4th - Makatatanggap ng 1 SBD
  • 5th - Makatatanggap ng 1 SBD

Layunin ng @steemph.cebu na maibuklod ang kumunindad ng mga Pilipino sa buong Steemit. Suportahan ang @steemph.cebu at ang @sndbox.

Gumawa, Magsumite at Manalo

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  
Kamusta po @steemph.cebu? Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan. Akin lamang pong ipapasa ang aking akda ng temang "Karangalan". Narito po ang aking akda: "Isang Karangalan ang Pagkakaroon ng Anak na Beki o Bakla". Maraming salamat po!

ito ang aking entry sa patimpalak

Ang Aking Napakalaking Karangalan na Nakamit

  ·  7 years ago (edited)

Sa ibaba nito ang aking entry para sa kategoryang #karangalan. Sana po ay magustohan niyo.

https://steemit.com/literaturang-filipino/@vinzie1/literaturang-filipino-hindi-inaasahang-parangal

  ·  7 years ago (edited)

Hi @steemph.cebu maganda araw sa inyo. Nais ko pong magtanong kung meron nang nanalo sa maikling kwento sa temang #pag-ibig?

My mom and sister are from Cebu, I've been there once and i'm a proud Filipino! I need some help translating something my mom gave me, if you have the time. IMG_2991.JPG
Here's the post - https://steemit.com/philippines/@kenentertainment/so-the-other-day-i-woke-up-too-furniture-moved-and-the-sink-almost-over-flowing

Ito po ang entry ko sa patimpalak : Literaturang Filipino: Ang Bunga sa Puno ng Karangalan