Maligayang Kaarawan Mahal na Pangulong Rodrigo Duterte

in duterte •  7 years ago 

Mahal na pangulo,

Maraming maraming salamat po na kayo ang aming Pangulo. Nasubukan na namin ang babae na hindi nakita ang nararamdamang pagbabago. Nasubukan na namin ang artista pero hindi umasenyo ang takilya ng ekonomiya. Nasubukan na rin namin ang ugaling walang ginawa kundi manisi ng iba. Lahat ay naduwag, hindi kinaya ang pangunguna. Naging kobrador ng weteng ang isa. Sumampong taon naman ang isang hunyangong tuko hindi mapuknat sa trono.

Image credit: https://www.upi.com

Minalas ang Pinas ng may panot na nagpasikat - lahat na yata ng malalakas na bagyo -sinalubong ang demoho. Palpak sa Mamasapano! Palpak sa Hostage Crisis! Salamat na lang po, dumating kayo. Maraming salamat po na naputol na ang sumpa ng kahinaan. Naputol na ang sumpa ng kalayawan ng mga lulong sa shabu ng kaululan. Naputol na ang sumpa ng nakawan. Naputol na ang sumpa ng mga opisyal na ayaw umalis sa kinalalagyan. Naputol na ang sumpa ng dilawan. Sa susunod na hahalan sila na ang mato-Tokhang ng mga botanteng hindi na palilinlang.

Image credit: http://www.weekendbalita.com

Sa araw po ng inyong kaarawan, nais lamang pong sabihin ng sambayanan na huwag ninyong pakinggan ang mga taong gustong magpabagsak sa inyong mga panuntunan. Umaasta lamang po sila na nagmamahal sa bayan ngunit nagtatago lamang sa kulay na ibinabandera nila. Pagmamahal din sa bayan ang isinisigaw, ngunit malabong mangyari ang sinasabi dahil ang alam po nila ay manira at hatakin kayo pababa. At sa kakahatak nila, kaming mga nakakakita, mas lalo siilang bumababa.

Mahal na Pangulo, magpatuloy po kayo. Kaming buong sambahayang pilipino ay nasa likod ninyo, kayo ay aming suportado. Katulong mo kami sa pag-asenso, huwag na ninyong pansin ang ang kampo ni Aquino at Robredo - ilang panahon pa baka may bago na tayong pangalawang pangulo, na susuporta sa inyong mga proyekto. Mahal po namin kayo aming Pangulong Duterte, Kasama kayo sa dasal na patuloy na dunong mula sa Maykapal ang sumainyo at ang kalakasan ng kabataan upang magawa pa ng nakatadhanang tatapusin pa ninyo dito sa balat ng lupa.

Maligayang kaarawan po sa inyo.

IImage credit: http://k2.abs-cbnnews.com

(Pakiusap: huwag pong i-copy-paste sa labas ng platform ng steemit,
pero maari pong i-SHARE sa anumang Social Media.
No to plagiarism. Salamat po)

Join Discord channel para sa mga Filipino na gaya mo
#steemfamilyph here https://discord.gg/eav43vE

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!