"KARGADOR" : My Filipino poetry

in esteem •  6 years ago  (edited)

image


"KARGADOR"
Katha ni: @blessedsteemer
🙏


Init ng sikat ng araw ay di alintana,
Pagod at pawis ay halos hindi madama.
Sa pagsusumikap ang pamilya ang iniisip,
At kahit masunog ang balat sa ilalim ng init
.


Kakapiranggot na bayad ay pinagtitiisan,
Upang ang kumakalam na sikmura ay mapagsidlan.
Pagod na nadarama ay naiibsan,
Kapag may pagkain na nalapag sa hapag-kainan
.


Bigat ng pinapasan ay kinakaya ng katawan,
Di iniisip kung magkaroon man ng karamdaman.
Basta may maiuwing konting kita sa kanilang tahanan,
At makita ang mga anak na masayang naghahapunan
.


Lakas ng katawan ay ang kanyang puhunan,
Kaya nga "Bawal Magkasakit",yan ang kanilang kasabihan.
At kapag sa katawan ay may naramdaman,
Iinom lang ng gamot at tuloy sa pagpapasan
.


Kaya nga ako ay saludo sa mga taong ganito,
Dahil kahit hirap sa buhay ay gumagawa ng matino.
Pagpapagal at sakit katawan ay di iniisip,
Basta sa marangal na paraan nanggaling ang perang kapalit
!


Kaya huwag nating silang husgahan,
Dahil sa estado ng buhay na kanilang kinalalagyan.
Dahil kung sino pa ang mababa at marumi sa tingin ng lipunan,
Ay sila pala ang may busilak na kalooban
.


Maraming salamat sa pagbasa sa aking munting tula!😊 At sana po ay nagustuhan nyo.😊

Hanggang sa muli!😊🙋

Ang inyo pong lingkod;
@blessedsteemer
🙏

image


Pinagkuhanan ng larawan
Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Thanks for using eSteem!
Your post has been voted as a part of eSteem encouragement program. Keep up the good work! Install Android, iOS Mobile app or Windows, Mac, Linux Surfer app, if you haven't already!
Learn more: https://esteem.app
Join our discord: https://discord.gg/8eHupPq

Thanks for the support!😊

Ganda Ng Tula mo, puede gawing Kanta...

Hhaha salamat mam..😊

Saludo para sa mga kababayan nating kargador!

Isa na namang magandang tula mula sayo sir @blessedsteemer!

Maraming salamat mam romeskie!😊


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.
@c-squared runs a community witness. Please consider using one of your witness votes on us here

Thanks for the appreciation😊