02:30
Hindi pa ako makatulog. Naglalaro na naman ang musika sa aking isip. Ung palagi kong pinapakinggan na kanta kusang tumutugtog sa aking utak. Na-LSS na yata ako. Mahirap na, baka mabaliw ako nang tuluyan.
04:00
Naririnig ko na ang tilaok ng manok. Hindi pa rin ako dalawin ng antok. Mas maingay na ngayon ang aking ulo... at magulo. Ang daming boses na bumubulong. Hindi ko na maintindihan dahil sunud-sunod ang ingay.
05:10
Gising na ang mga kapitbahay samantalang ako, matutulog pa lang. Pero paano ako makakatulog? Mas madami na ngayon ang naririnig kong ingay. Takpan ko na lang kaya ng unan mukha ko? Parang ganun ung napapanood ko sa mga pelikula-- ang pinakajologs na paraan ng pagpatay. Akalain mo may natutuluyan pala sa ganun.
10:30
Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako. Mahaba-haba din ang naitulog ko. Good Morning World! It's a fine day for a fine ending!
10:40
Nag-iisip ako ano ba mga kakailanganin ko mamaya para sa grand finale. Lubid, kutsilyo, tatlong litro ng energy drink, sleeping pills, at sounds syempre. Para naman medyo dramatic ang datingan.
10:50
Lalabas muna ako para bilhin lahat ito. Paano kaya kung masagasaan ako ng sasakyan habang tumatawid? Putspa! Sira lahat ng plano ko kapag ganun.
11:30
Dumaan ako sa Art Gallery kanina. Putspa! Pang-labindalawa ko ng painting ang na-reject. Thank you Lord! Lalo mo akong binibigyan ng dahilan para ituloy ito. Thank you! Mahal na mahal mo talaga ako. Palagi mo ako pinag-iinitan. @#$%!
12:30
Nakabalik na ako ng boarding house. Muntik pa akong madali kanina nung tricycle. Tatanga-tanga kasi magmaneho ung manong. Baka sa kanya ko pa isisi lahat ng problema ko sa mundo kapag nabangga niya ako.
01:00
Uumpisahan ko na magsulat ng Last Will & Testament ko. Hahaha! Para namang may kayamanan talaga ako na maiiwan sa mundo. Bukod sa mga basura kong paintings at sa baga ko na nanlilimahid na sa kaitiman, i-donate ko na rin kaya lahat ng organs ko. Pati mata, ngipin, kuko, lahat na kunin nyo sa akin. @#$%! Kinuha nyo na nga gf ko @#$% talaga! Hindi nyo pa ako isinama!
01:30
Dapat ba English ang Last Will & Testament para medyo classy basahin? Isa pa, mahihirapan ang mga abugado na magpaliwanag kapag Tagalog ang mga terms. Pesteng buhay ito oh! Kaya nga ako kumuha ng Fine Arts sa Uste kasi hindi ako mahusay mag-English. @#$% talaga!
01:40
May calling card nga pala akong nakita sa wallet ko...
Alona Calantoc
Journalist | The Varsitarian
Baka pwede akong makisuyo sa taong 'to na itranslate sa English itong isusulat kong Last Will & Testament. Pagbibigyan naman siguro ako netong lintik na 'to. Tutal, final request ko na naman 'to sa dyaryo ng @#$% Unibersidad na yan!
01:45
Your E-mail has been sent!
02:30
Eto na, huling painting ko na 'to. Mag-iiwan ako ng abstract na hindi kayang intindihin ng kahit sino pang @#$% artist na pagkagaling-galing! @#$% nila! Akala mo sila lang may karapatang umangat sa mundo. Akala mo sila lang may talent sa pagpipinta. @#$% nila! Isaksak ko sa baga nila mga gawa nila! @#$% sila!
05:30
Natapos din! Ambagal ko pala gumawa. Inabot ako ng tatlong oras. Nagutom tuloy ako. Makapagpadeliver na lang ng pizza. Ung bacon cheeseburger, paborito kong flavor. Uubusin ko lahat un. Mami-miss ko din ang lasa ng pizza. Sabi nila wala daw pizza sa impyerno eh. Kaya bago man lang ako mawala, makatikim man lang ng paborito ko. Teka, mamaya pala mako-confirm ko na din kung may pizza nga ba sa impyerno o wala.
06:00
Uy dumating na ung pizza ah. Ayos 'to, hindi late. Mukhang pumapabor sa akin ang pagkakataon ngayon ah. Di bale, malalaman natin yan mamaya kung hanggang saan ang swerte ko. Pero for the meantime, lalamon muna ako.
07:00
(Burp!) Busog! Ready na ako! I want to be FREEEEEEEEEEEE!!!
Gamit ang pinagpatung-patong na monobloc na upuan, tumuntong siya upang maabot ang itaas. Itinali niya sa kahoy na beam ng kisame ang makapal na lubid na binili niya kanina sa Hardware. Siniguro niya na hindi mapipigtal ang lubid mula sa pagkakatali. Hinigpitan niya ang mga buhol para makasiguro na matibay ang nagawang pambigti.
Bumaba siya mula sa pagkaka-angat. Binuksan niya ang cellphone, nagtype ng mensahe at ipinadala sa kanyang professor. Ang nag-iisang tao na pinagsasabihan niya ng lahat ng sikreto. Ang tanging pinagkakatiwalaan niya. Ipinadala na niya ang huling mensahe ng kanyang pamamaalam.
Pagkatapos nito, naghanap siya ng kanta na magandang patugtugin. Makailang beses siyang nag-scroll up at scroll down. Pumipili ng musika na aakma sa sitwasyon na kinasasadlakan niya ngayon. Gusto niya magpaka-senti. Gusto niya ilabas lahat ng galit niya sa mundo. Gusto niyang tapusin ang paghihirap sa pamamagitan ng pagwakas sa sariling buhay.
🎵🎶How cruel is the golden rule?
When the lives we lived are only golden-plated
And I knew that the lights of the city were too heavy for me
Though I carried karats for everyone to seeAnd I saw God cry in the reflection of my enemies
And all the lovers with no time for me
And all of the mothers raise their babies
To stay away from me 🎵🎶
Sapagkat galit siya sa mundo. Namatay ang girlfriend niya sa isang malagim na rape incident. Ulila na din siya dahil namatay sa sakit ang mga magulang na kinagisnan simula ng labing-apat na taong gulang pa lamang. Hindi rin niya kilala ang mga tunay na magulang. Palagi niya sinasabi na isinuka lamang siya ng mundo at walang ina na nagluwal.
Natanggap siya bilang scholar ng Fine Arts sa UST. Mababakas sa lahat ng paintings niya ang galit, paghihiganti, takot, duda at pagkagumon. Kaya hindi siya makatapos ng pag-aaral dahil ito ang palaging lumalarawan sa kanyang mga obra.
Binuksan niya ang energy drink na binili kanina. Dumukot din siya ng sleeping pills, mga sampung piraso. Mabilis na isinubo ang sampu. Lumagok ng kaunting likido. Hindi niya malunok isa-isa ang nasa bibig. Nilunod niya sa energy drink ang lalamunan. Dumausdos pababa ang sampu. Masamid-samid pa siya dala ng mabilis na paglunok.
Tumuntong ulit siya sa monobloc na upuan. Inabot niya ang dulo ng lubid. Hawak sa kanang kamay ang bote ng energy drink, inubos niya ang natitirang laman nito. Pagkatapos ay pabalibag na inihagis sa sahig ang bote. Lumikha ito ng malakas na ingay. Subalit hindi sapat ang ingay na nalikha kaysa sa ingay ng mga bumubulong sa kanyang tenga. Nilamon na siya ng kalungkutan. Pinasok na ang isip niya ng demonyong pag-uusig. Na wala na siyang halaga sa mundo. Na hindi na niya kaya. Na dapat mawala lahat ng sakit. Na dapat matapos na ang kanyang paghihirap.
Ikinawit niya ang lubid sa leeg. Nailusot ang kabuuan nito. Hinigpitan ang lubid. Dumiin ang pagkakasakal sa kaniya. Pumikit siya. Ninamnam niya ang natitirang liriko ng kanta. Gusto niyang manuot sa kanyang kaibuturan ang musika na lalong magpapalungkot sa kaniya.
🎵🎶Tongues on the sockets of electric dreams
Where the sewage of youth drowned the spark of my teens
And I knew that the lights of the city were too heavy for me (too heavy for me)
Though I carried karats for everyone to see (everyone to see)And I saw God cry in the reflection of my enemies
And all the lovers with no time for me
And all of the mothers raise their babies
To stay away from meAnd pray they don't grow up to be...🎵🎶
Tapos na ang kanta. Tapos na din lahat ng sentimyento niya sa buhay. At tatapusin na din niya ang natitirang sandali. Handa na ang paa niya sa pagsipa sa tinatapakan na monobloc. Pumikit muli siya. At sa kaniyang pagdilat, sisiguraduhin niya na wala na ang sakit. Wala na ang mga problema. Wala na ang magulong mundo. Wala na ang mapanghusgang lipunan. Wala na ang masalimuot na kaniyang pinagdaanan.
Bumilang siya...
Isa...
Dalawa...
Tatlo...
You have 1 Voice Mail Received
Auto-playing...
"Hoy!!! Ano sinasabi mo? Ano ba? Ano pinagsasabi mo? Bakit ba napunta sa ganyan?! Di ka nakakatuwa Jay! Isa!!! Wait, asan ka ba? Pwede ka ba puntahan? Ok ka lang ba? Sige na usap tayo, Jay. Grabe ka, wag sana ganyan. Don't make that a joke. Akala mo ba joke ang buhay mo? Ikaw lang nagkukulong sa self mo sa situation na yan. Kahit sobrang lugmok ako, ni minsan hindi ko naisipan magpakamatay. Akala mo ba madali rin buhay ko?!", boses ni Alona.
Nagulat siya sa natanggap na voice message. Dali-dali niyang tinanggal ang lubid na nakapulupot sa leeg, Mabilis siyang bumaba mula sa monobloc na upuan. Kumikislap ang mga mata niya. Dumungaw siya sa bintana na natatakpan ng itim na kurtina. Nakita niya ang ganda ng liwanag ng malaking buwan. Agad niyang hinanap ang calling card at tinignan ang cellphone number nito.
"Sabi na nga ba crush ako ng Alona na un eh.", sambit ni Jay kasabay ng isang mahabang buntong-hininga. "Thank you Lord, I'm not alone anymore. I have Alona." at dinial ang numero nito.
Ang galing mo talaga pareng @johnpd! kala ko natuluyan ka eh' este si Jay, hahaha'... sa totoo lang medyo nakakalungkot 'to pero atleast mabilis sya nakapag decide na di na ituloy ang pag suicide dahil kay Alona. Galing! Sana mabasa ng lahat 'to...
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
nung nabasa ko pa lang yung Penitensya na likha mo ..hindi ko na malimutan yun..
galing mo talaga.
buti happy ending
ako una nagcomment so ibig sabihin may commission ako sa pay out nito
for curie ulit powers
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
nyahaha! salamat salamat. syempre kasi umpisa pa lang napaka-rebellious na ng dating. kaya hindi naman pwedeng tragic pa rin ang ending. nyahaha! pero thank you talaga kuya rg sa susporta. 😀
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
push lang
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ayun lang pala ang hinihintay nya. Ang makakasama, grabe talaga iba din ang power ng words ng mga tao mapa text man o voice message. It can make or break a person. Love this piece andaming emosyon.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
kapag sobrang depress at down ang isang tao, kung anu-ano talaga kababalaghan ang naiisip nila gawin. sana hindi na mangyari yan. ambilis nila mawalan ng pag-asa, not knowing na kapag nalampasan na nila ung trial na un eh mas lalakas pa sila. parang Super Saiyan lang yan eh. nyahaha! kapag halos mamatay ka na sa laban pero nagtagumpay ka, mas lalo ka lumalakas. 😂
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Truths andaming trials pa. Nag lelevel-up sila everyday, parang online game lang.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Kaya dapat chill lang sa buhay! ☺ Mabuti namn at happy ending ito. ☺
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
oo nga noh?! bihira ako makagawa ng kwento na may happy ending. napansin ko din na puro patayan ang nangyayari atsaka kahit sa TagalogSerye din. nyahaha! 😂
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Intense lodi. Ang lungkot at ang bigat basahin pero sulit talaga at hitik sa emosyon. Pero medyo nabitin ako. Naging hook sa akin yun art nya, mukha syang magaling na artist at talaga naman nabuhos nya ang emosyon nya duon. Napaisip tuloy ako kung ano ang kinahinatnan ng kanyang sining.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
uy good point @jazzhero
baka next time gagawa din ako ng backstory about sa art nya.
bingyan mo ako ng magandang idea. 💡
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
haha ayus. mukha kasing maganda art nya kasi malalim hugot.
nabanggit sa kwento na palagi sya narereject sa Art gallery, pero hindi ko maimagine ang setting na hindi sya good enough para madisplay ang gawa nya. Baka kailangan nya lang maghanap ng ibang art gallery lol. Kailangan ko ng resolusyon jan haha.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
thank you @c-squared and thank you din sa kung sino man nagpasa nito.
much appreciated..❤ much love..😍
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
You received an upvote as your post was selected by the Community Support Coalition, courtesy of @steemph.antipolo
@arabsteem @sevenfingers @steemph.antipolo
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ang galing galing! Mag eemote na ako eh. Nananalangin na akong wag niya sana ituloy. Magagalit na akk sa iyo kasi papatay ka na naman sa storya mo! Buti na lang andiyan si Alona. Salamat sa kanya. Wahahaha
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
nyahaha! napakarami ko na palang pinatay. nyahaha! oo nga noh?! pero sayang, di ko napatay si Pinunong Kron at ang halimaw na si De Shawn. nyahaha! 😂
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Putspa!! Yan dapat Title nyan!
Dyem yan pala kapag nirambol hahaha! Havey buti naman Happy ending,^^
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
uy salamat @mariejoyacajes nyahaha! hindi pwede maging Putspa ang title
baka magalit si grammar nazi at sabihin na Foot Spa dapat ang spelling nun. nyahaha! 😂
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hahaha oo nga lagi naka comment yan pag mali grammar ko😂😂😂
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Congratulations @johnpd! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :
Award for the number of upvotes
Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Do not miss the last post from @steemitboard!
Participate in the SteemitBoard World Cup Contest!
Collect World Cup badges and win free SBD
Support the Gold Sponsors of the contest: @good-karma and @lukestokes
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit