"I missed you."
Mali, hindi kita na-mimiss.
Mali ang pagkakaintindi mo.
Dahil,
"I missed you."
"Nawala kita."
Akala ko hawak ko pa ang kamay mo,
Pero hindi na pala,
Nabitiwan na pala kita nang hindi ko namamalayan.
Akala ko may taong masaya pa sa tabi ko,
Meron ngang masaya,
Kaso hindi na sa tabi ko,
Kundi sa tabi na ng iba,
Kasi hindi na ako ang seatmate mo,
Dahil lumipat ka na ng upuan,
Iba na ang iyong sinasandalan,
Sa tuwing kailangan mo ng maiiyakan,
Hindi na ang panyo ko ang nagpapatahan...
Sa 'yo,
Gusto ko lang malaman mula sa 'yo,
Kung bakit nawala kita,
Hindi ba kita iningatan?
Hindi ba kita pinahalagahan?
Hindi mo ba naramdaman kaya bigla mo akong iniwasan?
Simula noong gabing 'yon,
Noong may sinabi ka,
Na kakaiba,
Na hindi ko inaasahang sasabihin mo sa 'kin,
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko,
Hindi ko alam ang sasabihin ko sa 'yo,
Kasi nabigla ako,
Hindi ko naman naisip na hindi lang pala ako 'yung nahulog.
Hindi ako makapaniwala...
Kaso huli na,
Bigla kang nawala...
Bumalik ka na sa totoong may-ari sa 'yo,
Akala ko kapag nahanap ko na akin na,
Hindi pala,
Kasi dapat isauli ko.
Ngayon alam ko na,
Kung bakit nawala kita,
Kasi hinayaan ko na lang na kunin ka niya,
Hindi kita nakayang ipaglaban.
Kaya pala nawala kita.
✅ @missyforevah, I gave you an upvote on your post! Please give me a follow and I will give you a follow in return and possible future votes!
Thank you in advance!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit