"TANGLAW SA DILIM"
liwanag mo'y kahali-halina
animo'y dilag ang marikit mong ganda
masilayan ka'y pag-asa sa twina
pagkat ika'y ilaw sa gabing masaya
ilaw mo'y di tunay na iyo
hiram lamang sa kabilang ibayo
repleksyon sa ilaw ng araw
sa gabi ay sya naming tanglaw
o kay gandang pagmasdan
ang liwang ng ating buwan
marikit na ilaw sa gabing mapanglaw
ligaya sa puso ang syang dalaw
tanglaw sa dilim kung ituring
dahilan naman ng tulog na mahimbing
sa atin itoy silbing lambing
Sa puong may kapal ito'y nanggaling
This post has received a 0.24 % upvote from @drotto thanks to: @banjo.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
nice one bro.. naaalala ko pagkabata ko dito sa tula mo. ning di pa uso ang cellphone. panahon na nakatingala kami sa gabi tinititigan ang buwan..
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Uu ganun din kami nung nasa province pa kami
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
gandang katha... napakalalim ng mga salitang matalinhaga na nagmumula sa kahibuturan ng may akda..
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat sa iyong kumento. Talaga namang nagustuhan ko. ^_^
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit