FILIPINO POETRY #30 : " LIGAW TINGIN "

in filipino-poetry •  7 years ago 


ligaw tingin.jpg




Kinikilig akong todo
Sa twing napapatitig sayo
Gaano man kalayo
Abot tanaw saan mang dako


Ganyan ang nakatagong pagsinta
Di masabi , di maipinta
Pag nariyan na'y natataranta
Pagkat natotorpe sayong ganda


Pilit mang ipagsigawan
Ngunit di kayang letrahan
Pagkat sa ligaw tingin lamang nakakamtan
Pagsintang sayo'y nakalaan


Sa bawat pagtitig sayo
Pakiwari ko'y parang tayo
Subalit torpe ngang tunay
Sa ligaw tingin lamang mahusay



border.png



HANGGANG SA MULI!!!





INYONG NAIBIGAN.png




cejero021.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!