Sa Oras ng Aking Pag-alis (an OFW tribute)

in filipino-poetry •  7 years ago 

O Kay bilis talaga nang oras
Paano ko ba ito mapaatras
Minsan pa lamang kita nakasama
Subalit ngayon ako ay aalis na.

long-distance-relationships-300x198.jpg
source

Pilit nating sinusulit bawat segundo ng ating pagkikita
Ang pagibig sa isa't isay ipinadarama
Ating ipinakita ang kahalagahan ng ating pag-ibig
Na wariy nagiisa lamang sa buong daigdig

el_ta_tipps_11.jpg
source

Palagi kung nakikita ang iyong mga ngiti
Alam kung hindi mo ito maikukubli
Sapagkat ako ang iyong kasama
Siniguro kong pagibig koy iyong madarama

Pansin ko ang iyong kaligayahan
Sa tuwing tayo ay magkatabi sa isang upuan
Ang kakulitan mo ay walang hangganan
Bunga nang tunay na pagmamahalan

Oh kay sarap damhin
Yung mata mong sa akin lamang naka tingin
Para bang nagliyab ang aking puso
Sa pagibig na sayo lamang sinusuko

images (16).jpg

source

Ngayun ko lamang nakikita
Ang halaga ng oras na nuon ay ipinagwalang-bahala
Ngayon ko lamang napapansin
Na itoy parang bolang madaling maglaho sa hangin


Ngunit hindi natin pagmamay- ari
Ang lahat ng panahon
At sadyang limitado lamang ang ating mga pagkakataun
Kahit pinagtagpo tayo ng tadhana
Para sa ating bukas kailangan kong iwan ka

irh.jpg

source

Kahit tayo ay magkakalayo
Ang puso at isip ko'y nandiyan parin sa'yo
Ikaw ang nagsisilbi kong lakas
Upang sa kalungkutan ako ay makatakas

At sa aking pag alis huwag ka sanang malungkot
Ang mga oras ng ating pagwala'y ibaun mu sa limot
At naway hihintayin mo ang aking pagbalik
Upang ating maipatuloy ang naiwang pagibig

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Mabuhay ang mga OFW! 🙌🏻 The real heroes of our country!