Orihinal na katha ni: Marigen aka @greatwarrior79
Noong panahong nag iisa ako sa buhay,
Naghahanap ako ng taong magiging kaagapay.
Dahil sa hirap at lungkot ng buhay,
Gusto ko ay may makasama habang buhay.
Kagwapuhan at kakisigan mo ay di ko alintana,
Noong panahon ako'y naghahanap pa.
Ngunit sa biglang lingo'y, andito lang pala,
Ang lalaking nais kong makasama.
Maraming guwapong manliligaw, para pag ibig ko ay makuha,
Subalit lahat sa kanila ikaw ang kakaiba.
Dahil sa awra mo at kakaibang estilo,
Ikaw o aking mahal ang bumihag sa puso ko.
Pagmamahal at pag aruga sa akin ay pinadama,
Kahalagahan ng pamilyang buo ay iyong pinakita.
'O aking mahal di kita iiwan,
O ipagpapalit kahit kanino man.
Pag ibig mo'y wagas at walang katumbas,
Sana ito ay wala ng wakas.
Dahil hindi ko kayang harapin ang bukas,
Kung pagsasama natin ay kukupas.
Aking mahal dalangin ko ay di ka magbago,
Kahit na sa huling hininga, ako pa rin ang mahal mo.
At ito ang pangako ko sayo,
Kahit sa kabilang buhay,ikaw pa rin ang mamahalin ko.
Sana nagustuhan nyo po ang aking munting kathang tula para sa asawa ko(@blessedsteemer). At sana magustuhan din nya itong gawa kong tula para sa kanya.😊 Salamat po sa inyong konting oras sa pagbasa ng aking tula, at sana po magustuhan nyo rin ang tulang ito. Para din sa lahat ito. Mabuhay po ang mga manunulamg pilipino.😊 Salamat po ng marami! Dios mabalos sa indo gabos!
Marigen aka @greatwarrior79
Please support @surpassinggoogle as a witness by voting him here and type in "steemgigs" in the first search box.
If you want to give him witness voting decisions on your behalf, on that same page type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
#####Support his other brainchild projects like #untalented, #steemgigs, #teardrops, #steemsecrets and #ulogs. Thank you!
Thanks mahal ko..sa napakaganda mong tula sa akin..😊mas lalo tuloy me nyan pumogi..hehe. nagulat ako sa mga salitang binitawan mo..hehe ..love u mahal ko..😙
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
yun oh sir. hehehe sweet ni mrs. God bless u both.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ang pundasyon ng pag-ibig kapag bukal sa puso ng isang tao, mas kumikintal ito sa nakakikita ng ipinapahiwatig. Buo ang layuning ipinadarama at higit sa lahat ang hininga ninyong dalawa'y moog ng may matinding pagmamahalan sa isa't isa.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Amen! Salamat po ng marami! Pagpalain po tayu ng Panginoon! Pag ibig ay di kukupas kung ang pag ibig nyo sa isat isa ay wagas.😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Woah! napakaganda at ang sweet naman mam. mabuhay po kayo. God Bless.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat po.😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit