Gunita

in filipino-poetry •  6 years ago 

Ibig kong gunitain ang araw na iyong
kasama ka sa dalampasigan, ngunit
wala akong nakikitang anyo,
malabo, walang buhay, walang saysay!

Gusto ko mang hanapin ang mga
nawawalang panaginip ngunit
walang nakaimbak kahit isa sa aking
mga nanlulumong alaala!

memory
SOURCE

Saan ko hahanapin ang gunitang iyon,
samantalang abala ang tadhanang
burahin ang aking buhay sa aking alaala.

Malamig ang gunita, gunita'y malamig!

STEEMIT DIVERSIFY - NEW JULY 2018 - iwrite.jpg

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

may lalim at misteryoso. gusto kong hanapan ng backstory.
nawa'y may masulat pa kayo na kadugtong nito. o ang pinagmulan ng malungkot at emosyonal na pagpapahayag ninyo.