Pixabay
ni jennybeans
Hinahatid hanggang dun sa may kanto ng bahay Nakita ko kung gaano ka kapursigido noon Masiyahin kang tao Kaya paano nga ba tayo nauwi sa ganito? Nagulat na lang ako sa mga balitang natanggap Lumipat ka nga kasi ng paaralan Pinagsabay mo kaming dalawa Saan nga ba yang bago mong paaralan? Ngunit nang malaman mong ikaw ay nahuli ko na Pero kahilingan mo'y di pinagbigyan "Boba ka talaga", yan ang sabi nila Ayaw kong dalawa kami ang yong masaktan Seryosohin at mahalin mo na lang siya Sa di inaasahan ako sa lamesa'y biglang nauntog At nawa sa paggising ko Tutuldukan ko na ang kahibangang ito
Simple at masaya ang naging relasyon natin
Tatambay sa plaza at sabay kakain
Kakantahan mo ng mga magagandang himig
Kasi sa ating dalawa ikaw lang ang biniyayaan ng magandang tinig
Takot ka kasi kay inay at itay
Pero may pagkakataon nun na nagkatabi kayo sa sasakyan
At walang alam si inay na sa atin ay may namamagitan
Hihintayin ako kahit abutin pa ng hapon
Andyan ka para ako'y parating suportahan
At kahit anong oras man, ikaw ay maaasahan
Maginoo at marunong rumespeto
Kahit na sadista ako at ugali'y di maintindihan
Ako parin ay iyong minahal ng lubusan
Ah tama, ikaw pala ang nagloko
Pinaglaruan mo lang ang damdamin ko
Pinagmukhang tanga't pinaniwala mo
Nung una'y ayaw pang maniwala
Pero kalauna'y nabisto rin ang iyong pagpapanggap
At walang nagawa kundi hayaan ang mga luhang kumawala
Dahil kurso mo'y dun lang mapag-aaralan
Ngunit anyare? Paaralan lang ang ating napag-usapan
Di naman kasama ang maghahanap ka ng bagong pusong malilipatan
Tinuhog at binola-bola mo pa
Parang street foods lang eh noh?
Kumusta naman? Mabilaukan ka sana
Baka naman pwede ako diyan
Pag-aaralan lang kung pano ka makakalimutan
At maalis sa puso ko't isipan
Lumuhod ka sa akin, nagmakaawa't humihikbi pa
Humihingi ng pangalawang pagkakataon para sa ting dalawa
Mahal pa ko't nadarang lang at di sinasadya; yan ang yong wika
Dahil meron din akong pinaniniwalaan at pinaninindigan
Kasi hindi ka naman kasi maghahanap ng iba
Kung ang pagmamahal ko sayo ay sapat na
Bumalik na nga, pinakawalan mo pa
Pero di kasi nila naiintindihan
Hindi nila alam ang tumatakbo sa aking isipan
Ayaw kong dalawa kami ang yong mapaglaruan
Ayaw ko na mandamay pa ng iba
Dahil babae at may damdamin rin siya
Sikaping relasyon niyo'y magtatagal pa
Iwasang lokohin si ate girl at maging totoo na
At pipilitin kong maging masaya para sa inyo kahit sobrang hirap pa
Dala siguro ito ng sobrang antok
Ang isip ko'y naalog
Kaya ito na lang ay aking itutulog
Magising na rin ako sa bangungot na to
Dahil napaghinuha kong masyado ko ng sinasaktan ang sarili ko
At dapat na akong mag-let go
Pero imbes tuldok ang gawing tandang panapos,
Tuldok na may kasamang kuwit ang nagawa ko
Naghihintay ng kasunod at di nais na sa ganito lang tayo magtapos
galing... parang naranasan mo ang lahat ng iyan... sanay kasinggaling mo rin ako sa pagsulat...
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat te @ladyjah.. May mga part na totoo especially yung mga first few stanzas pero yung ibang part, gawa-gawa ko lang hehe..
Hindi, sana'y maging kasinggaling mo rin ako sa pagsusulat lalo na pag gamit ang ibang wika.. Mahina ako sa Ingles eh hehe
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ito po pala ang dahilan kung bakit. Ngayon naintindihan ko na po. Pero sana po ay huwag ka na umasa sa kanya dahil masasaktan ka lang po muli. Sis @jennybeans, iwan mo na po siya. Humanap ka na lang ng iba. Huhuhu
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit