Lubos akong nagpapasalamat aking sinta,
sapagkat ang buhay kong walang kulay binago mo't ikaw ang nagpinta.
Ang araw nang makita ka ay di ko makakalimutan,
dahil sa napawi nito ang aking kalungkutan.
Hindi mapapaliwananag ng mga salitang ito,
kung gaano kita kamahal ngunit sana'y dinggin mo ang nais sabihin nito.
Ikaw ang laging hanap-hanap sa bawat pagkurap,
pero wari ko'y ikaw ay isang pangarap.
Pangarap na kailanma'y hindi ko maaabot,
dahil alam kong ako lamang ay isang bubot.
Hiling ko lang ay sana'y makita't makasama ka muli,
naniniwala akong hindi iyon ang una at huli.
Oo, alam kong imposibleng ika'y mapasaakin,
unti unti ko na lamang itong tatanggapin.
Salamat sa kasiyahan at kalungkutan na idinulot mo sa akin,
salamat, salamat, sambit nitong damdamin.