Araw Gabi, Ayaw Ko na!

in filipino-poetry •  6 years ago 


source

Gabi'y lumipas, bagong araw andito na.
Puso't isip di lubos maintindihan.
Ako'y litong lito, nalilito kung bakit isip ganito.
Araw'y gabi di makatulog. Ayaw ko na.

Ayaw ko mang isipin.
Pero bakit ito'y nasa isip.
Gusto ko nang ipahinga ang pag iisip
Pero tuluy-tuloy pa rin itong nag iisip.
Ipikit ko man ang aking mga mata.
Humiga man sa iba't ibang posisyon.
Ayaw pa rin mahimbing.
Sana naman ito'y matapos na
Nang ako'y makapagpahinga na.


Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!