#131 Filipino Poetry: "Nadarama"

in filipino-poetry •  7 years ago 

Nadarama


Apoy na nagliliyab sa aking puso
Mga pangarap na lage nating pinapangarap at sinasapuso
Pasan ang bigat ng nararamdaman
Kahit sa mabuting bagay ay hindi nakakagaan

Ang mabuting hukom na nagkukunwari
Pinapatakbo ng mga taong tiwali
Sa isang banda, tayo ang nagiging kawawa
Hindi natin nalalaman na tayo na palay ay pinagtataksilan ng sarili nating hukuman

May mga delobyo tayong dinadaanan
Mga pinsalay wari kinalimutan
Katulad ng ating pagiging matapang, tayo ay natutong lumaban
Nadarama natin ang sakit at pighati, subalit sa dulo nito pait, may tamis na mamamalagi

Mga naririnig sa tabi-tabi ay walang katuturan
Balitang wala namang katotohanan
Paano mo ngayon mapapaniwala ang isang tao?
Kung mismo sarili mo nilalagay mo sa perwisyo!

Nadarama mong galit ay iyong iwaksi
Wala 'yang patutunguhan kundi dalamhati
Selos at inggit iyong putulin
Wala' yang maidudulot kundi balat kayo sa salamin

Pumunta sa puso at kalungkuta'y wala lang sa iyo
Manalo sa laban
Dahil oras na para ikaw ay magtagumpay
Mga nadarama mong lumbay at saya,
Isipin mong ito ay mga biyaya!


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

IMG_3453.JPG
IMG_3452.JPGpost sir