#142 Filipino Poetry: "Gusto na Kita"

in filipino-poetry •  7 years ago 

"Gusto na Kita
"


Hindi ko inasahan
Na ikaw ay maibigan
Nung una, wala namang kakaiba
Walang espesyal na nadama

Ngunit nung nakausap na
Tinitingnan mga mata
Unti unting nagugustuhan
Labi mo’y gustong mahalikan

Hindi ko inakala, ikaw pala’y kaayaaya
Lalo na nung mas nakilala
Ang saya at sarap mong kasama
Kakaiba ang angkin mong ganda

Nananabik na makita ka
Ewan ko kung bakit ba
Isip ko’y ikaw ang laman
Mukha mo na ang nakikita kahit saan

Puso ko’y sumisigaw
Pag ibig ko’y tanging ikaw
Sana’y marinig ng puso mo
Ang pagsamo ng puso ko

Masayang pinagmamasdan
Mga halakhak mo’t tawanan
Ika’y aking hahayaan at hihintayin
Hanggang sa ako’y iyong maibigan at mahalin


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Nice poem,, I loved it...
I wish I can write like that.