Ang Magiliw Na Mangingisda

in filipino-trail •  7 years ago  (edited)

Ako ay bumisita sa tahanang aki'y nakagisnan,
Muli kong nasilayan mga bagay na aking nakalakihan.
Sa maynila ang mga bagay ay mabilis maglaho,
Ngunit sa lugar ng aking lolo't lola tila walang nagbago.

Dagat na dati'y lagi kong tinitignan,
Kay sarap na muli'y aking mapagmamasdan.
Aking mga kababata ay muli kong nasilayan,
Ligaya sa aking puso ay tila walang pagsidlan.

Hindi ko malilimutan mangingisda kong lolo,
Twing umaga'y tinatakbo ko sa dalampasiga't tuwang tuwa ako.
Mga isdang balde balde na nakikita ko,
Alam kong ligaya dala sa tahanan ng naghihintay na lola ko.

Habang ako'y nagmumuni muni,
May bangkang palapit akong nakita.
Bumaba ang nakangiting manong,
Dala ang malalaking isda.

Hindi ko mapigilang madala sa maganda ngiti nya,
Sa aking ligaya agad kong kinuha aking camera.
Bawat akto ng galaw nya ay aking kinuha,
Hanggang hindi ko sinasadya'y ako pala ay napansin nya.

Hindi ko inaasahan sumunod na ginawa nya,
Ako ay nagulat, mga isda'y nasa harap ko na.
"Ito na ineng kuhanan mo na ito ng litrato!
Aba'y kung kailangan mo ng modelo isama mo na ako oh!"

Sa tuwa at pagkamangha ko'y agad tumayo ako,
Kasabay ng pindot sa camera'y, tawanan ang narinig ko.
Grupo ng mga mangingisda pala'y nanunuod sa ginagawa ko,
Halakhak ang naging kapalit, ng pagkuha ko ng litratong pa sikreto.

Hindi ko mapigilang ialis aking paningin sakanya,
Sa kanyang paglakad, ngiti ko'y kita parin sa mata.
Naalala ko kaagad aking lolo na nasa langit na,
Kung sana sya'y nandito pa, ganito din ang gawa niya tuwing umaga.

Walang pagod at hirap na makikita sakanila,
Sa halip ay saya ang tanging maaaninag diba?
Natutulog ng gabi't gumigising ng maaga,
Datapwat walang maririnig na reklamo mula sakanila.

Ang aking pagbisita'y hindi ko malilimutan,
Magigiliw na mangingisda'y lagi kong tatandaan.
Kahit ngayong ako'y nasa maynila na ay biglang pa rin akong napapangiti,
Sa tuwing naaalala ko mga di mababayaran nilang ngiti.

~~

31265386_1916394698371049_4874447899938783232_n.jpg
First shot. I'm hiding my phone so he will not notice. Hihi

31124337_1916397711704081_4919814303751602176_n.jpg
He's almost in front of me. Yay! Close up shot. Intense Haha!

31166881_1916394578371061_2015937162024845312_n.jpg
So, meet my super model! My super fisherman is here! <3

31265460_1916395971704255_4834020656976756736_n.jpg
I can't take my off you..

I woke up with the news that my grandparent's house is affected with the widening project under their municipality. In no time, I decided to visit Quezon. Why? Because I will not allow the time to vanish all my childhood memories inside that home. I badly wanted to see everything there, though there is sadness inside our hearts. We enjoyed the quick vacation. All in, that was an awesome experience! It's been 8 years since my last visit. This will be my first blog for now. The adventures I made will be posted soon.

Thank you for dropping by! :)

Yhiendelrosario

#steemitfamilyph #steemitachievers #steemschool
neihy05.png
26239258_1903480356329378_4288845262119346990_n.jpg
26761374_1801767746531534_4899909754559660032_n (1).gif

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

What a great appreciation! The poem really reflected how you appreciates the elders. Thanks for sharing! I cannot relate it too @neihy05

Thank you for dropping by! :)

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by Yhien (neihy05) from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.