To all my non-Filipino followers, I would love to see you guys on-board but my stories are made mainly for my co-filipino citizens and for me to share my cryptocurrency experiences and insights in the most entertaining way possible. I admit that the international market on blogging here on steemit is huge but that is not the reason why I am here. Join me as I tell you my crypto stories.
Sa panahon ng pagsusulat, ang kabuuang market cap ng cryptocurrency ay $220,991,690,291 na kung saan 52.1% nito ay dinodomina ng bitcoin.
Bilang panimula, nais ko lang sanang magpasalamat sa aking magbabasa at sana'y magtulungan tayo dito sa steemit sa paraang pag upvote at resteem nang sa gayon ay makabuo tayo ng isang malusog na kumonidad na naglalayong makapag-bigay ng kaalaman at karanasan dito sa crypto world.
Sa aking pamamalagi sa ganitong klase ng trabaho, ang masasabi ko ay reasonable naman iyong kitaan, medyo malaki pero hindi gaanong consistent kumpara sa normal na trabaho kung saan araw-araw tayo may sweldo. Paminsan minsan ay nababawasan din ang halaga ng kinikita o inipon dahil sa ang presyo nga ay depende sa kabuuang merkado kung kaya't manlulumo ka talaga na kapag isang araw mababa nalang ang halaga ng iyong naipong cryptocurrency o asset kumbaga.
Syempre mahirap pero mayroon namang dahilan ang lahat ng bagay na nangyayari dito at ang mga masasamang pangyayari ay naiiwasan, ang kailangan mo lang ay magbasa.
Karamihan sa ating mga pinoy ay gusto ng "sideline" o ekstrang trabaho para sa ekstrang kita dahil hindi natin maipagkakaila na ang antas ng pamumuhay ay mas mataas kesa sa kinikita kung kaya't doble sipag ang kailangan para makapamuhay ng medyo maayos at masaya.
Ang "sideline" na aking tinutukoy ay ang pagsali sa bounty (marketing campaign para sa start-up dito sa crypto world) o di kaya'y pag iinvest sa mga cryptocurrency na nasa top10 marketcap nang sa gayon ay safe ang iyong pera sa mabilisang pagbaba ng presyo (kumpara sa iba syempre) at para na din may matutunan na maaari mong paghuhugutan sa hinaharap.
Suggestion ko para sa mga mag sisimula pa lamang ay ito.
1. Gumawa muna kayo ng account sa coins.ph na maaari nyong paglayan ng inyong cryptocurrencies. Ito ang ginagamit ko na pang withdraw, nag titrade din ako dito, maaari din itong gawing remittance center at iba pa kaya kung kitaan ang pagbabasehan ay malupet to. Mayroon syang App para sa android at iOS kung kaya't convinient. Para sa extrang 50pesos after nyong ma validate ang account nyo, gamitin lamang ang code na ito "exdb1o"
2. Magbasa basa muna kung paaano gumagana ang cryptocurrency, mga wallet nito at iba pa.
Pwede kayo dito
Bitcointalk , Steemit , Coindesk , DataDash , BFB Website , BFB Youtube
3. Ngayon para sa mga trabaho na maaari kang kumita ng crypto ay ito
Bounties Section ng Bitcointalk , Bountyhunters , Bounty0x , BountyPlatform
ang mga ito ay kadalasan kong mga ginagamit pero napakarami pang iba. Kaya't kung online job ang hanap mo pagkatapos ng iyong walong oras na pagtatrabaho ay dito kana.
4. Trading. Pag mayroon kanang kinita pagkatapos mong mag bounty, pwede kanang mag trade gamit ang nalikom mong funds. Pwede kang maging day trader o pwede ding mag hold kalang ng magandang coin na sa tingin mo ay mayroon potential.
Ganoon lamang kadali, basta simulan mo lang muna sa coins.ph at pagbabasa, makakatulong yun, tandaan “There is no more profitable investment than investing in yourself. It is the best investment you can make; you can never go wrong with it. It is the true way to improve yourself to be the best version of you and lets you be able to best serve those around you.”