Pananaw sa Buhay (Perspective in Life)

in filipino •  8 years ago  (edited)

Source

Lahat tayo ay may kanya kanyang pananaw sa buhay at para sa akin ang buhay na ito ay hindi pa talaga ang buhay na nararapat sa atin, ito ay unang yugto pa lamang isang buhay na puno ng pag subok mas mapalad pa ang taong mahihirap na palaging himihingi ng tulong sa Diyos kaysa sa mga taong sagana na masyadong mataas ang tingin sa sarili. Naniniwala ako na kapag namatay tayo may naghihintay pa na buhay para sa tao dipende sa ginawa mo sa mundong ito, kung nagpakahirap ka ba sa pagsunod sa kautusan ng Diyos o nagpakasarap sa paggawa ng mga bawal.

Kailangan mo muna paghirapan ang isang bagay bago mo ito makuha o mapakinabangan, pansinin ninyo ang mga prutas kailangan mo munang balatan bago mo makain, para gumanda ang katawan kailangan mo magpakahirap sa pag-eehersisyo at pagdidieta. Kailangan nating magsakripisyo ng pagod o oras para makuha ang premyo na gusto natin, ito ang mga tanda na kailangan nating paghirapang sundin ang kautusan ng Diyos para makamit natin ang Buhay na walang hanggang na pangako niya.

Sa kabilang banda ay ang pagpapasarap na walang pagpapakahirap gusto nilang makuha ang premyo ng di pinaghihirapan kaakibat nito ang pagkakasala o di pagsunod sa mga kautusan, nandiyan ang pagnanakaw kung naghahangad ka ng marami salapi ng di pinaghihirapan o di kaya'y pagsusugal. Napakasarap gumawa ng kasalanan, ngunit di natin pansin ang kaakibat na masamang dulot nito, kadalasan huli na ang lahat bago mo maisip na mali ang ginawa mo, mapalad ang mga taong nagbago bago sila bawian ng buhay. Sana maging mapalad karin.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Welcome to Steemit :)
I follow u, follow me back if u want lot of fun and amazing picture every day.

Thank you, I follow you too