PINAGMULAN NG PAGSASALIN
By: Algorand
Ang pinakamabilis na lumalagong stablecoin ay gumagamit ng Algorand upang paganahin ang mga pangunahing use case sa pananalapi.
SINGAPORE, Hunyo 24, 2020 - Algorand Foundation, isang not-for-profit na organisasyon na nakatuon sa pakikisalamuha, pagtuturo, at pagpapagana sa komunidad nito na magtayo ng isang borderless na ekonomiya sa publiko, desentralisadong teknolohiya ng blockchain, ay naghayag ngayon ang isang kasunduan sa pakikipagtulungan sa Circle upang magdala ng fiat na sinusuportahan mh stablecoin na kakayahan sa Algorand na bigyang kapangyarihan ng USD Coin (USDC), ang pinakamabilis na lumalagong buong-reserba na US Dollar stablecoin batay sa bukas na mga pamantayan at balangkas ng pamamahala na binuo ng Center Consortium.
Nasusukat, ligtas at sumusunod sa pinansiyal na aplikasyon
Sa pamamagitan ng kasunduang ito ng pakikipagtulungan, ang Circle ay magdaragdag ng suporta para sa mga stablecoins ng digital na dolyar na nakakabit sa USDC. Ito ay magbibigay-daan sa mga kostumer ng Circle Business Accounts at Circle API na madaling mailipat ang mga pondo sa pagitan ng mga tradisyunal na bangko at network ng card sa mga digital na dolyar sa Algorand blockchain. Ang mga kostumer ay magkakaroon ng kostudiya at pamamahala sa mga account at aktibidad ng pagbabayad sa pamamagitan ng mga API ng Circle, at makakakuha ng bilis, seguridad at mga kabuuang pakinabang sa blockchain ng Algorand.
Ang USDC ay ang pinakamabilis na lumalagong stablecoin, suportado ng daan-daang mga kumpanya ng fintech sa kanilang mga produkto at serbisyo. Na may higit sa $2.5B USDC na inilabas hanggang sa kasalukuyan, ang USDC ay nakitaan ng higit sa $50B na volume ng transaksyon at mga pag-aayos sa mga pampublikong blockchain. Sa mga nagdaang buwan, dahil sa pagtaas ng global demand para sa mga digital na dolyar, ang USDC ay nakaranas ng makabuluhang paglawak, na may higit na 100% na pagtaas na USDC sa sirkulasyon mula sa mga antas ng bago ang pandemya, na may higit sa $940M sa sirkulasyon.
“Growth in mainstream financial use cases is driving more demand for high-throughput payments and finance-optimized blockchain infrastructure,” [Ang paglaki sa mga pangunahing use case sa pananalapi ay nagtutulak ng higit na pangangailangan para sa mga pagbabayad ng mataas na halaga at pinabuting pinansyal sa imprastraktura ng blockchain] sabi ni Jeremy Allaire, co-founder at CEO ng Circle. “The combination of USDC and Circle Platform Services with the Algorand blockchain will create a foundation for developing a wide range of scalable, secure and compliant financial applications. [Ang kumbinasyon ng mga Serbisyo ng Plataporma ng USDC at Circle na may Algorand blockchain ay lilikha ng isang pundasyon para sa pagbuo ng isang malawak na hanay ng mga nasusukat, ligtas at sumusunod na mga aplikasyon sa pananalapi.]
Ang pag-capitalize sa mga natatanging benepisyo ng USDC
Ang Algorand Foundation at Circle ay magkakasabay ding magtataguyod ng mga natatanging benepisyo ng USDC sa blockchain ng Algorand para sa mga institusyong pampinansyal na naghahanap upang bumuo ng nasusukat, ligtas at sumusunod sa pinansiyal na mga aplikasyon sa pampublikong chain.
“As more financial institutions and enterprises look to build decentralized financial applications, they need a well-suited infrastructure and a compliant, regulated, and widely accepted stablecoin,” [Sapagkat mas maraming mga institusyong pampinansyal at negosyo ang nagtatayo ng desentralisadong aplikasyon sa pananalapi, kailangan nila ng isang mahusay na naaangkop na imprastraktura at isang sumusunod, regulated, at maluwag na tinatanggap na stablecoin,] sabi ni Fangfang Chen, COO ng Algorand Foundation. “We are excited to partner with Circle to provide financial institutions with the tools they need to leverage the unique benefits of USDC and offer enterprise-grade solutions to build real-world use cases.” [Nasasabik kami na makipagtulungan sa Circle upang magbigay ng mga institusyong pampinansyal sa mga kagamitan na kailangan nila upang magamit ang mga natatanging benepisyo ng USDC at mag-alok ng mga solusyon sa enterprise-grade upang makabuo ng mga real-world use case.]
Bilang bahagi ng implementasyon, sa Q3 2020, ang Circle ay magkakaloob din ng mas malawak na industriya ng isang simple at walang pagdurugtong na API para sa paglipat ng mga pagbabayad sa pagitan ng USDC sa Ethereum at USDC sa Algorand, tinitiyak na ang mga digital na wallet at palitan ay maaaring mapanatili ang isang walang pagdurugtong na karanasan para sa kanilang mga kostumer .
Tungkol sa Algorand Foundation
Ang Algorand Foundation ay isang not-for-profit na organisasyon na mayroong bisyon ng borderless, frictionless na ekonomiya na itinayo sa publiko, desentralisadong teknolohiya ng blockchain. Ang Foundation, sa pakikipagtulungan sa Algorand Inc, ay nagtayo ng protocol ng Algorand blockchain - sa una ay dinisenyo ng payunir ng kriptograpya at Turing award winner na si Silvio Micali at isang koponan ng mga nangungunang siyentipiko - bilang pundasyon sa pagkamit ng bisyon na ito. Inilalarawan ng Foundation ang isang malawak na kaluwangan ng mga aplikasyon na binuo sa protocol na ito ng isang bago, mas malawak na pamayanan ng mga pangunahing developer. Ang Foundation ay nakatuon upang mapadali ang pagbabagong ito sa isang napapanatili at eco-friendly na paraan sa pamamagitan ng paggamit ng Proof of Stake consensus algorithm.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang https://algorand.foundation/
Tungkol sa Circle
Ang Circle ay isang pandaigdigang kompanya ng teknolohiyang pampinansyal na nagbibigay-daan sa mga lahat ng sukat ng negosyo upang magamit ang kapangyarihan ng mga stablecoin at pampublikong blockchain para sa mga pagbabayad, commerce at pinansiyal na aplikasyon sa buong mundo. Ang plataporma ng Circle ay suportado ng higit sa 100 milyong mga transaksyon na nagkakahalaga ng sampu-sampung bilyong dolyar, na may halos 10 milyong mga customer na retail, higit isang libong mga negosyo, habang nag-iimbak at magbibigay ng kasiguruhan ng higit sa $5 bilyon sa mga digital na mga asset ng currency. Sa ngayon, ang transaksyonal na serbisyo ng Circle, mga account sa negosyo, at mga API ng plataporma ay nagbibigay ng isang bagong henerasyon ng mga serbisyo sa pananalapi at mga aplikasyon sa commerce na humahawak ng pangako na itataas ang global na kaunlaran ng ekonomiya para sa lahat sa pamamagitan ng mga programmable internet commerce. Alamin ang higit pa sa https://circle.com.