Isang Saloobin ng Iyong Kapwa; Hanggang Saan ang Kaya mong Gawin Upang Maging Dakila?

in filipino •  8 years ago 

Ano ang Kadakilaan, para sayo?

Para sa akin, ito ay ang pagtiya-tiyagang makamit ang mga bagay na itinuturing nating imposible, at ang ating pagsusumikap na makamit ang mas malalaki pang bagay kumpara sa mga bagay na para sa atin ay imposible. Ang Kadakilaan ay ang kakayahan na maging higit pa. Ang pagiging higit pa sa iba. Ang pagsususmikap para sa mas makabubuti.

Ang pinakadakilang ninanais na makamit nating mga tao, ang isang bagay na naghihiwalay sa atin sa mga hayop, ay ang pangangailangan nating maging higit pa. Ang bawat hayop dito sa ating planeta ay may balanseng pinananatili sa kanilang kapaligiran. Kinukuha lamang nila ang mga bagay na kailangan nila upang mabuhay. Subalit tayo, bilang mga tao, ay may pananabik sa konseptong pagpapalawak. Mapa-bagong mga pananaw man o ideya o estado. Ating kinukuha lahat ng pakinabang sa anumang kasalukuyang nagbibigay sa atin ng ating mga pangangailangan hanggang sa pinaka huling patak, para lamang iwan ito at sumulong sa kung anumang bago at mas kapakipakinabang sa atin pagkatapos.

Sabi nila, ang iyong halaga bilang tao ay katumbas lamang ng iyong huling tagumpay na nakamit. Ngunit para sakin, ang tunay na halaga ng isang tao ay katumbas ng anumang mas malaking tagumpay na kaniyang tutuparin pa sa hinaharap. And Nakaraan ay ang mga panahong nakalipas na, mga desisyong iyong ginawa. Tapos na. Subalit ang Hinaharap ay paparating pa lamang, at ito ay matulin at hindi babagal bagal. Kung kaya’t husgahan mo ako sa aking susunod na hakbang, at hindi sa bagay na aking isinakripisyo upang makarating dito, sa kung nasaan man ako naroroon ngayon. Sapagkat ang mga hakbang na ito ay magtutungo sa isa na namang mas malaking tagumpay, isang panibagong katuparang hihigit pa sa mga bagay na aking huling nakamit.

Kaya ngayon, nais kitang muling tanungin: Ano ang Kadakilaan para sayo; at hanggang saan ang kaya mong gawin upang maabot ito?

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!