"Nasaan na Kaya?" A Filipino Poetry

in filipinopoetry •  7 years ago  (edited)

Nasaan na kaya yung dating tayo?
Yun bang hindi naiisip ang oras
Kapagka tayoy nasa malayo

Yun bang isang tawag mo lamay
Kompleto ang araw
At ang tanging hinahanap ay ikaw

Yun bang sa pag sapit ng umaga
Mukha mo lamang ang nakikita
Ni halos di maisara ang mga mata

Pero saan na kaya?
Dahil sa tuwing umaalis tayo
Lagi nalang inantay kailan magkakalayo

Na sa tuwing gabi nag aantay
‎pa rin ng nga tawag mong
‎matagal ng patay

Na sa tuwing umaga iniisip na
Lamang na sanay hindi na
Magising pa....
Sapagkat ikaw ay nawalan na ng gana, hindi dahil sa ikaw ay pagod na sapagkat ayaw mo ng sumubok sa possible pang mangyari, pero nasaan na kaya ang sinimulan mong napunta lang sa katapusan.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

@bronxbarbie24, congratulations on making your first post! I gave you an upvote!
Please take a moment to read this post regarding commenting and spam. (tl;dr - if you spam, you will be flagged!)