TULA (Poetry #12) : Aking Munting Anghel

in filipinopoetry •  7 years ago  (edited)

"Aking Munting Anghel"

pinagmulan

Ika’y bigay sa akin ng maykapal,
Pinagdarasal at inaasam ng kay tagal,
Masilayan ka dito sa mundo,
Ika’y biyaya at hindi isang kuro kuro.

Siyam na buwan sa aking sinapupunan,
Binigyan mo ang buhay ko ng kahulugan,
Naging malawak ang aking kaisipan,
Ganito pala ang pighati at kasiyahan.

Paghihirap na aking naranasan,
Nung ikaw ay nasa loob ng aking katawan,
Sa paglakad, pag upo ako’y dahan dahan
Kinaya ko, aking munting anghel magpakailanman,

Sa iyong paglabas aking munting anghel,
Ibibigay aking buong pagmamahal,
Napakalusog mong pagmasdan at kay giliw,
Ang aking damdamin ay iyong napagaan at naaliw.

myown.png

@tinkerrose

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!