"MAY BUKAS NAMAN"
Umiiyak ng walang katapusan.
Sakit na hindi kayang pigilan.
Susuko o lalaban pa ba?
Wala na ang dating saya.
Naghahanap ng dahilan.
Walang nagawang kasalanan.
Ito ba talaga'y totohanan.
O sadyang napagtripan.
Bakit kailangan maging ganito?
Masama ba'ng maging seryoso?
Ipakita ang totoong nadarama.
At sabihin na mahal ka talaga.
Oo, dumilim bigla ang mundo.
Nang wala na sa piling mo.
Ngunit kahit gaano man kasakit.
Hindi mananatili ang pait.
Darating din ang masayang umaga.
Babalik din ang ningning sa mga mata.
Ngayon, bukas og magpakailanman.
Siguradong ika'y makakalimutan.
Nakapanghinayang man ang nakaraan.
Ngunit tama na at kailangan bitawan.
Oras na para sa panibagong storya.
Salubongin ito ng may tuwa sa mukha.
~mrnightmare89
original poetry and image is mine
huawei p8