Paggawa ng post gamit ang cellular phone direkta sa Steem-Powered Atlas na link | Tagalog tutoryal

in hive-124393 •  20 hours ago  (edited)

20250305_183525.jpg

Magandang gabi po, kumusta mga kapwa kung stemyan na Filipino, mga kaibigan at sangkatauhan dito sa Steemit, karangalan kung ibahagi sa inyo ang aking kaunting kaalaman tungkol kung paano gamitin ang website na Steem-Powered Atlas na proyekto, kasi wala pa kaming gabay sa Filipino o Tagalog na bersyon na ang gamit ay cellular phone, kaya naisipan kung gumawa ng gabay para sa lahat ng mga kapwa kung Filipino.

At dapat pansinin na ito ay isang Tagalog na interpretasyon, na ilan sa mga gabay na hango ko sa inihahayag ni @pennsif na babanggitin ko sa dulo ng aking post.

A5tMjLhTTnj4UJ3Q17DFR9PmiB5HnomwsPZ1BrfGqKbjde5qyE3gjLBiR5cxkpWf6NL9HAdqvLqM4pQ4XdAAS2w1FW8GNAbkdxLtxNy1po867aPJPR4BqpCPjH6hST...SX7pT15kBv2ge4QpAeuRshiEPL1z8F2uTvg7scdDj6bFxca7WC5zjybBxCwoyv2Q5ZQiDoyX2eRURxFDKj3CZhmf9nKjMbUgcBVtTLk7xZ9d2MMYtzKaFJax7Q.png

At ano nga ba ang Steem-Powered Atlas?

Ang https://steematlas.com/ ay isang sistema na nagbibigay ng bagong interface para sa libu-libong post na nakabatay sa lugar sa Steem blockchain.

Mayroon na ngayong halos 40,000 na post na naka-ugnay sa lumang Steemit interactive map project.

At naghahanap ito ngayon at nagsimulang magdagdag ng marami pang bagong paskil/post upang makatulong na gawing nakaka-engganyo, kawili-wili, at kapaki-pakinabang na mapagkukunan ang Steem-Powered Atlas para sa mga taong gustong matuto tungkol sa mga lugar o lokasyon saanman sa buong mundo.

Ito ay hindi lamang tungkol sa mga atraksyong panturista, kundi pati na rin sa anumang lugar o lokasyon.

Ano ba ang nakapa-tiyak na post tungkol sa mga ito, maaaring tungkol ito sa;

• Mga atraksyong pangturista
• Mga destinasyong bakasyunan
• Mga bundok at lawa
• Mga museo at gallery
• Mga teatro
• Mga pasilidad at istadyum ng isports
• Mga zoo, sangtuwaryo ng hayop at mga natural na parke
• Mga simbahan, templo at lugar ng pagsamba
• Mga restawran, cafe, bar at anumang uri ng lugar na makakainan
• Mga tindahan at shopping center
• Mga unibersidad, kolehiyo at paaralan
• Mga ospital, klinika at bahay pagamutan
• Mga istasyon ng bus at tren

A5tMjLhTTnj4UJ3Q17DFR9PmiB5HnomwsPZ1BrfGqKbjde5qyE3gjLBiR5cxkpWf6NL9HAdqvLqM4pQ4XdAAS2w1FW8GNAbkdxLtxNy1po867aPJPR4BqpCPjH6hST...SX7pT15kBv2ge4QpAeuRshiEPL1z8F2uTvg7scdDj6bFxca7WC5zjybBxCwoyv2Q5ZQiDoyX2eRURxFDKj3CZhmf9nKjMbUgcBVtTLk7xZ9d2MMYtzKaFJax7Q.png

Mga alituntunin at limitasyon:

• Naghahanap ito ng mga paskil/post tungkol sa mga partikular na lugar o lokasyon.

• HINDI ito naghahanap ng mga post sa "The Diary Game" na nagbabanggit ng isa o sa higit pang mga lokasyon.

• Kung bumisita ka sa isang restawran o dinala ang mga anak sa isang theme park, sumulat ng buong post tungkol sa partikular na lugar na ito.

• Gusto nito ang mga detalye at kapaki-pakinabang na impormasyon; kabilang ang mga oras ng pagbubukas, mga presyo ng pasukan, bayad sa paradahan at mga detalye kung paano makarating doon.

• Kasama rin dito ang mga link o higit pang impormasyon tungkol sa napiling lokasyon, tulad ng website at mga detalye ng kanilang official social media account.

• Kung isasama mo ang mga presyo pati na rin ang lokal na pera, maaaring isama din ang mga katumbas na presyo sa STEEM o USD, o hindi bababa sa isama ang kasalukuyang halaga ng palitan.

• Gustung-gusto nito ang mga larawan ngunit maging mapili, gamitin lamang ang pinakamahusay na mga larawan na nakuha mo at gawin itong malaki at malinaw.

• Napakahusay at mas mainam ding magsama ng naglarawang pamagat sa ibaba ng bawat larawan.

• Ang mga post ay dapat tungkol sa mga lugar na iyong binisita at mga larawang iyong kinunan.

• Hindi ito naghahanap ng mga plagiarized na larawan o nilalamang binuo ng AI. Ang sinumang makikitang nakikibahagi sa alinman sa mga masasamang gawaing ito ay permanenteng ipagbawalan sa Steem-Powered Atlas.

Maaari mong isali ang mga lumang post at pati na rin ang mga bago bilang karagdagan sa paglikha ng mga bagong paskil/post para sa Steem-Powered Atlas.

Maaari ka ring magdagdag ng mga lumang post na may kaugnayan sa pamamagitan lamang ng pagdaragdag ng tamang PIN code ng lokasyon.

Ito ay isang mahusay na paraan upang makakuha ng mga karagdagang reward mula sa mga lumang post sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga bagong komento o paggawa ng mga compilation post.

Publikasyon na orihinal na inihayag ni pennsif sa buwan ng Marso;

https://steemit.com/hive-166405/@pennsif/steem-atlas-curation-guidelines-for-march-2025

A5tMjLhTTnj4UJ3Q17DFR9PmiB5HnomwsPZ1BrfGqKbjde5qyE3gjLBiR5cxkpWf6NL9HAdqvLqM4pQ4XdAAS2w1FW8GNAbkdxLtxNy1po867aPJPR4BqpCPjH6hST...SX7pT15kBv2ge4QpAeuRshiEPL1z8F2uTvg7scdDj6bFxca7WC5zjybBxCwoyv2Q5ZQiDoyX2eRURxFDKj3CZhmf9nKjMbUgcBVtTLk7xZ9d2MMYtzKaFJax7Q.png

Ang mga hakbang para makagawa ng post gamit ang cellular phone direkta sa Steem-Powered Atlas:

• Pumunta sa Steem-Powered Atlas na link, at lalabas ang buong mapa ng buong bansa, ito ang link:
https://steematlas.com/

20250305_183525.jpg

• May SEARCH BY LOCATION na kahon na nasa ibabang kaliwang bahagi ng screen ng iyong cellular phone at i-type ang bansa na gusto mong lagyan ng inyong PIN para madaling mahanap.

20250305_185318.jpg

• Pagkatapos, pindutin ang SEARCH na kahon at otomatikong lalabas ang mapa ng bansa na gusto mong lagyan ng pin.

20250305_185011.jpg

• Pindutin ang MAIN MENU na nasa itaas na kanang bahagi ng screen ng inyong cellular phone.

20250305_185728.jpg

• Pagkatapos lalabas ang apat na nakasulat at pindutin ang CREATE A POST.

20250305_200157.png

• Pindutin ang CLICK THE MAP TO PLACE PIN na nasa ibabang bahagi ng screen ng iyong cellular phone.

20250305_200914.jpg

• I-zoom at tingnan sa mapa ang eksakto, mas tiyak na lokasyon na kung saan gusto mong idagdag ang iyong PIN.

20250305_202150.jpg

• Pagkatapos isulat ang saktong deskripsyon ENTER THE DESCRIPTION at isulat ang tamang pangalan ng iyong lokasyon.

20250305_203421.jpg

• At otomatikong lalabas ang tamang pangalan sa MY PIN ng iyong eksaktong lokasyon.

20250223_170144.jpg

• Pagkatapos isulat ang pamagat ENTER A TITLE OF YOUR POST sa kasunod na kahon.

20250305_204359.jpg

• Pagkatapos pumunta sa katawan ng post BODY OF YOUR POST, at dito magsisimula ka ng magsulat ng buong kwento ng iyong post.

20250305_205852.jpg

• Pagkatapos magsulat ng buong kwento, pindutin ang kamera na simbolo para makadagdag ng larawan at otomatikong lumabas ang mga larawan na nasa iyong galerya.

20250305_210354.jpg

• Isulat ang mga karapat-dapat na tag sa inyong post ENTER TAGS FOR YOUR POST.

20250305_210807.jpg

• Ilagay ang iyong steem account ENTER YOUR STEEM ACCOUNT.

20250305_211056.jpg

• kung gusto mong magdagdag ng benepisaryo; halimbawa, (steem-atlas) at ilang pursyento ang gusto mo; halimbawa, (10%, 20/%, 30%).

20250305_211621.jpg

• Pagkatapos ilagay ang posting key ng iyong steem account ENTER YOUR POSTING KEY.

20250305_211921.jpg

• Pakatandaan, mas mabuti at mas mainam na i-tsek ang iyong buong post POST PREVIEW na nasa dulong bahagi bago isasapubliko.

20250305_212325.jpg

• Kung wasto at tama na ang mga detalye ng iyong buong post, pwede mo ng isasapubliko PUBLISH POST.

20250305_212657.jpg

Mahalagang Paala-ala:

Dapat mong tiyakin na wasto ang lokasyon sa pagdagdag mo ng iyong PIN, at mas magandang hanapin ang iyong sarili gamit ang Google Maps kung kinakailangan.

A5tMjLhTTnj4UJ3Q17DFR9PmiB5HnomwsPZ1BrfGqKbjde5qyE3gjLBiR5cxkpWf6NL9HAdqvLqM4pQ4XdAAS2w1FW8GNAbkdxLtxNy1po867aPJPR4BqpCPjH6hST...SX7pT15kBv2ge4QpAeuRshiEPL1z8F2uTvg7scdDj6bFxca7WC5zjybBxCwoyv2Q5ZQiDoyX2eRURxFDKj3CZhmf9nKjMbUgcBVtTLk7xZ9d2MMYtzKaFJax7Q.png

Hanggang dito na lamaang po at sana ay makakatulong ang bersyon na ito sa lahat ng mga kapwa kung Filpino, at magsilbing gabay sa paggawa ng kalidad na artikulo sa Steem-Powered Atlas.

Sana'y pahintulutan nyo po akong imbitahan kayo sa Steem-Powered Atlas; @bien, @chingpherd, @kyrie1234, @jes88, @jobreyes24, @olivia08, @marlon82, @momshie85, @reyarobo, @gingfriendph, @carine, @chibas.arkanghil, @autumnbliss.

Maraming salamat po, at patnubayan tayo ng Diyos!

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Upvoted! Thank you for supporting witness @jswit.