The Diary Games Season 3 (May 15, 2021) | Pininturahan Ko Ang Aming Sasakyan

in hive-169461 •  4 years ago 

Magandang Araw po sa Inyong Lahat!

Kamusta po kayo? Ito po ang kauna-unahan ko pong entry para sa Steemit Philippines Diary Games. Pasensya na po at hindi ako madalas nagsusulat dito. May trabaho din po kasi ako.

Pero ngayon, gusto ko po ibahagi sa inyo ang ginawa ko sa araw na ito. Bale nasimulan ko po itong gawin kahapon pero hindi natapos dahil inabot na ako ng gabi. Nabanggit ko po sa inyo na mahilig po ako na mag-ayos ng sasakyan. Pero itong ginawa ko ay pininturahan ko po ang aming luma at nag iisang sasakyan. Natutuklap na rin po kasi ang kanyang pintura dahil na rin sa kalumaan. Pero ganun pa man, kahit luma eh nakakapunta pa rin kami ng aking pamilya sa mga gusto namin na puntahan.

grl373before.jpg
Ito po si GRL, ang aming kotse.

Pansin po ninyo may mga puti puti. Yan po ung masilya na ginawa ko sa natuklap na pintura. Ang larawan po na ito ay kuha noong nagpunta kami sa Mountain View Nature's Park.

So ayun na nga po, pininturahan ko po ung mga bahagi na na masilyahan ko nuon. Pangit na kasing tingnan na hindi na pinturahan ung may masilya. Sa tulong po ng aking asawa na si @me2selah, natapos ko pong pinturahan ang mga dapat pinturahan.

Ang ginamit ko lang po na pintura ay Acrylic Lacquer yung kagaya ng Pylox na nasa canister ba ang tawag dun, basta yun na yun. hehehe. Wala pa pong budget para magpatimpla ng tamang kulay at wala din po akong gamit tulad ng compressor. Kaya ngayon ito nalang po muna. Ginawan ko lang po ng paraan na para hindi naman po magmukhang kawawa si GRL.

grl3.jpg
Ito po yung sinasabi ko na pintura. Sya nga po pala, si misis yung taga kuha ng mga larawan.

grl1.jpg

grl2.jpg

Bale nag DIY lang po kami ni misis, Destroy It Yourself. LOL (Joke lang po) Nag- Do-It-Yourself lang po kami. Alam nyo naan po mahilig tayong manuod ng mga tutorials sa Youtube.

grl4.jpg
Heto na po yung kinalabasan ng ginagawa kong pagpintura. Ginawan ko na lang po ng konting design. :D

grl5.jpg

Ito na si GRL. Wala ng mga tuklap. Ang plano ko po talaga, pagnagkakabudget, ipapa-repaint ko talaga. May kamahalan po kasi ang repainting kaya for now, ito nalang muna.

Natapos ko rin po ang gawain na ito bago mag-gabi.

Maraming salamat po sa pag-basa ng aking kuwento ngayon araw na ito.

Maraming salamat Steemit Philippines at kay @steemitphcurator sa patuloy na pagsupport sa mga Pilipino na Steemians.

Hanggang sa muli!

Ang iyong kaibigan,

@arjayyuson

#steemexclusive
#steemitblog

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Nkakatipid pag ganyan. Masipag kayo pareho ni memet.

tipid tipid po muna ngayon Nay, kapos sa budget :D