Magandang Araw po at Mabuhay sa lahat ng mga kababayan kung Steemians, lalo na sa lahat ng active members ng ating Steemit Philippines Community.
Hello po, @bellekiss-31 po ulit, masayang magbabahagi ng aking araw araw na byahe sa buhay dito sa ating mahal na komunidad. Kasiyahan kung ibahagi sa inyo ang pagkakataon nakapaglawig kami sa Isla ng Olango (Island Hopping with friends).
Ang Isla ng Olango ay sikat sa lugar namin for Island Hopping destinations, bago pa tayo nakaranas nitong pandemya na dala ng COVID-19 marami ng ibat-ibang turista ang bumibisita sa Mactan Island, hindi lang dahil sa magaganda at sikat na mga beach resorts kundi maranasan din ang makapag Island Hopping.
Isang magandang pagkakataon ng ako'y ma imbitahan ng aking kaibigan sa kaarawan ng kanyang butihing ina, dahil may 3 taong gulang na anak ang kaibigan kong ito, kaya sinama ko naman ang aking baby Justine. Dahil alam kung mag e-enjoy talaga ang anak ko basta usapang dagat na yan.
Happiest Birthday kay Mami Emily
Ang saya talaga ng birthday ni ate Emily kasi kasama ang mga makukulit niyang mga kaibigan, na masaya ring nakipag harutan sa lahat ng sakay ng bangka, nariyang lagyan ng icing nong cake ang mukha naming lahat, nagsayawan at nagkakantahan din.
Magiging masaya talaga ang sino mang sakay ng bangka namin, walang tulak kabigin kung pagkain din naman ang usapan. Mapagod at magutom ka man kalalaro at kalalangoy kahit anong oras makakakain ka at dahil birthday syempre highlights ang pa lechon ni Ish sa kanyang Mama Emz.
Dahil sa medyo mahangin at malakas ang current sa tubig, so hindi kami masyadong nag iikot sa ibat-ibang parte ng Isla at halos sa Isla ng Sulpa lang kami naglalagi para maligo, hindi talaga kami lumapit sa isla mismo at bumaba, ang ginawa lang namin ay nag dock kami malapit lang sa Sulpa at doon na kami tumigil at nagtuloy sa pagligo, harutan, kantahan at paglalaro.
At dahil paborito namin ng anak ko ang magtampisaw at maligo sa dagat, maka ilang beses din kaming bumaba ng bangka para maligo, kahit masyadong malalim ang tubig at malakas ang current, masaya pa rin kasi naka life jacket naman at napakasarap maligo sa tubig at ang linaw linaw pa.
Ang karanasan naming ito ng aking anak ay gusto kong maulit pa at sa susunod na pagkakataon sana kasama ko ang aking boung pamilya. Sanay naibigan nyo ang kwento ng aming paglalayag.
Maraming Salamat po sa oras na inyong inilaan para sa pagbabasa, Hope you all have a Blessed Day ahead.
Stay Safe and Healthy Everyone!
Love & Care 💗 @bellekiss-31!
Ang ganda ng ginagawa mo.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat po at nagustuhan niyo.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.
Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.
Anroja
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Thanks for your usual support. Have a great day!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit