Magandang araw po mga ka-steemians, chibas.arkanghil na naman po ay narito at handang magbahagi ng isang kaganapan sa aking buhay ngayong araw.
Sa ibabahagi ko ngayon ay sigurong maraming makaka relate lalong-lalo na ang mga katolikong magulang. Dahil ang ibabahagi ko ngayon ay ang first communion ng aking pangalawang anak na si Akira Jenta.
Siya ay nasa ika-limang baitang na. Which supposed to be ang first communion ay dapat nasa ika-apat na baitang. Which is dito dapat ito kadalasang ginagawa ng mga mag-aaral. Ngunit ng dahil sa pandemya kaya hindi ito naituloy ilang taon na rin ang nakalipas. Kaya ngayon ay sabay sana silang mag first communion ng kanyang nakababatang kapatid na si Amayah Jay na ngayon ay nasa ika-apat na baitang na.
Ngunit sa di inaasahang pagkakataon biglaang nilagnat ang kanyang kapatid. Kaya hindi ko na muna siya pinayagan at pinasabay ng first communion sa kanyang ate na si Akira.
Si Akira at ako ay maagang gumising sa ngayong araw. Mga alas siyete kasi ng umaga magsimula ang kanyang first communion kaya dapat alas singko pa lang ay gising na kaming dalawa.
Sa simbahan ay may marami ng mga batang mag first communion. Maaga rin silang dumating at excited na sila para sa araw na ito. Tumabi ang aking anak na si Akira sa kanyang mga kasamahan sa klase. Bakas sa kanyang mukha ang kaba. Tinawag ko muna siya sandali at pinakalma. Sabi ko sa kanya huwag kang kabahan at ang isipin mo ay haharap ka sa Diyos at manunumpa. Kaya kalma lang at huwag kabahan hindi naman nangangagat ang pari. Nang tumawa na siya ay pinabalik ko na siya sa kanyang upuan. Maya't-maya pa ay umupo na ang pari sa harapan ng simbahan.
Iniisa-isa silang lumapit sa pari upang mag confess ng kanilang mga kasalanan. Pagkatapos ay pina-upo sila sa mga kanilang upuan at pinagdasal ng kanilang sina-ulong dasal. Pagkatapos ng mga bata ay kami namang mga magulang ay isa-isa ring nangumpisal sa pari.
Pagkatapos nun ay ang sarap na ng pakiramdam. Ang pangungumpisal at pagkarinig ng mga salita ng Diyos sa araw na ito ay lubhang nakakagaan ng loob. Sobrang sarap sa pakiramdam. Isa na namang responsibilidad ng isang magulang ang aking napagtagumpayan. At ang pagpapakilala sa aking anak sa bahay at sa mga salita ng Diyos ng pormal. Ay isang napakamahalagang sugo na aking nagawa.
At hanggang dito na lamang po ang aking artikulo sa araw na ito. Maraming salamat po at magandang buhay po sa lahat.
Lubos na bumabati at iyong lingkod,
Chibas.arkanghil
Hola, Dios bendiga este momento y a tus hijos. Qué lindos se ven todos los niños en la iglesia. Yo soy de Venezuela y me pareció interesante que aquí también usamos la expresión "no tengas miedo que no muerde" la que usaste para calmar a tu hija.😊 Bendiciones para tu familia. 🙏🏼
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hello, Thanks for the kind message. Thank you for reading my post.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit