Mabuhay Steemit Philippines
🥬🥬🥦🥦🥕🥕🌶🌶🍆🍆🥒🥒
Isang napakagandang araw po sa inyong lahat. Nawa po'y nasa mabuti kayong kalagayan. Nais ko pong ibahagi sa inyo ngayong araw ang aking muling pagbisita sa aming vegetables garden. Mga dalawang linggo mahigit na hindi ko na ito nabisita. Sanhi ng napaka abala ko noong mga nagdaang mga araw. Kaya ngayon nagawa ko na itong bisitahin.
Pagkagising ko ngayong umaga ay agad akong naligo, nag-agahan pagkatapos naghanda na ako upang pumunta doon. May kalayu-an kasi ito sa bahay namin. Ang aming vegetable garden ay malapit lang sa bahay ng aking tito. Sa katunayan, siya ang pina tingin ko dito habang naging abala ako noong nakaraang mga araw.
Habang patungo ako sa aming vegetables garden ay hindi ko mapigilang kumuha ng mga larawan ng mga bulaklak na tanim ng aking tiyahin. Namumukadkad ito at sobrang napakaganda. Hindi ko naman napigilan ang aking sarili na kunan ito ng mga larawan at siyempre humingi nito para itanim sa bahay. Ang aking pagkahilig sa pagtatanim ng mga ornamental plants ay hilig ko na noon pa ngunit ng nag-asawa na ako ay na impluwensiyahan ako ng asawa ko sa pagtatanim ng gulay. Sobrang hilig ni natz04 magtanim ng mga gulay. At doon na nagsimula ang pagkahilig ko na rin sa mga gulay.
Nang nakarating na ako doon sa aming vegetable garden ay biglang may tinig akong narinig. Sumunod pala ang panganay kong anak na babae. Gusto niya ring mabisita ang aming garden. Parang nakuha niya rin sa ama niya ang pagkahilig mananim ng gulay. Sa di kalayuan ng aming garden ay may nakitang kaming inahin na manok kasama ang kanyang anim na sisiw. Gusto nilang pumasok sa garden ngunit pinigilan ng aking anak kasi baka tuka-in niya ang bagong tanim na gulay kagaya noong dati.
Pagkatapos naming bumisita sa aming vegetables garden ay nagmadali kaming umuwi dahil mukhang babagsak na ang malaking ulan. Siguradong masisiyahan na naman ang aming mga gulay na pananim. Hanggang dito na lamang at maraming salamat sa pagbisita.
Im inviting:
@amayphin
@jewel89
@lealthafaith
Sincerely,
@chibas.arkanghil
Daming tangad. Lami mag tinolang manok..haha
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Oh friend nindut na epares, lami kayo ang resulta..
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Congratulations! Your quality content qualifies the Steem Global Curators guidelines.

Your post is upvoted using the @steemcurator06 account by @juichi. Continue making quality content for more support.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Thank you @steemcurator06 & sir @juichi..
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
kana sis ...basta kugihan kakaon jud ug presko ba.. naa pai manok o ka wow
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Maojud maam. Sakto jud kayo sa tanglad nga naa sako garden. Pero sa amo lang ni silingan ang manok 😄
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
wish ko din talaga na pag meron na kmaing sariling bahay eh makapag garden din kami ni hubby
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Nindut na nga idea maam. Hinay-hinayan lng maam.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit