Magandang araw mga ka-steemians, Isa na namang panibagong entry ng diary ang isusumite ko ngayong araw.
Pagka-gising ko ngayong umaga bandang alas 7:30 a.m ay agad-agad akong pumunta sa banyo para maligo tapos kumain ng almusal at magbihis para sa aking lakad ngayong araw. Pupunta kasi ako ng mall para bumili ng damit para sa anak kong lalaki. Kailangan ko siyang bilhan ng bago para sa espesyal na araw bukas. Gusto ko sana siyang isama kaso bawal pa ang mga bata sa mall. Kaya ako na lang mag-isa ang pumunta.
Bandang alas 9:00 ng umaga ako nakarating sa mall. Marami nang tao ang naka abang para pumasok sa loob ng mall kaso lang pagdating ko doon ay hindi pa bukas ang mall. Eksaktong alas 9:30 ito magbubukas. Naghintay ako sandali. Mayat-maya pa ay binuksan na ito ng security guard. Matapos kong mag fill-up ng form para pumasok ay agad tsinek ng gwardiya ang aking temperatura bago pa ako tuluyang nakapasok.
Masyado akong nahirapan sa pagpili ng damit para sa aking anak. Matagal din akong naglibot sa loob ng mall. Ang daming magagandang damit kaso nga lang kulang sa budget. Hanggang sa may napili na ako para sa aking bunsong anak na lalaki. Pagkatapos magbayad sa counter ay agad akong bumaba sa first floor upang tunguhin ang daan papalabas ng mall nang may biglang lumapit sa akin na isang babae. Binati niya ako at nagpaalam na pwede bang matingnan ang resibo ng aking nabili sa mall.
Pagkatapos niyang makita ay agad niya akong pinasunod at pina upo sa isa sa mga upuan doon na kinaroroonan ng mga kasama niya. May tatlong bakanteng magkalayong upuan doon. Naupo ako sa gitna. Maya-maya ay yong isa niyang kasamahan ay may dala ring isa pang mamimili din sa mall. Pinaupo sa isang upuan na bakante hanggang sa naupuan na yong lahat ng bakanteng upuan.
Tumayo sa gitna yong leader nila at ipinaliwanag sa amin kung bakit kami nandoon. Libreng masahe pala iyon sa mga mamimili na umabot ng Php 100 ang halaga ng item na nabili sa loob ng mall. Hahaha akala ko ano na. Ngunit ganun pa man sobra akong nag enjoy, ang sarap sa katawan kapag doon na itinapat yong gamit nila pang masahe. At hindi lang yo nakapag promote pa ako ng steemit platform sa isa sa mga masahista. kanya dahil nagtanong siya kung ano ang trabaho ko at sinabi ko sa kanya na ako ay isang blogger. Ayaw pa yata maniwala kaya pinakita ko yung mga post ko sa aking steemit account. Ibinigay ko sa kanya ang aking messenger account para kapag nakapag desisyon na siya na mag sign up ay makikipag communicate siya sa akin.
Hopefully mag sign up na siya.. hanggang dito na lang ang aking diary ngayong araw. Iniimbitahan ko ang aking mga kaibigan na magpasa rin ng kanilang diary sina: @shikika, @yen80, @momshie85. Maraming salamat po.
Ang iyong lingkod,
@chibas.arkanghil
Ang saya naman may libreng massage. Sa totoo lang maam mula noong nagpandemic hindi na ako nakabisita sa mall. haha
Namiss ko na rin pumasyal at mamili if may budget :D
Thank you for sharing your diary post today. For more community updates pwede nio pong bisitahin ang mga post ni @steemitphcurator.
Ingat po palagi!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Nakadalikyat rapud kog sulod sa mall maam 😄. Salamat.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Keep on going making the diary every day to support the community. Thank you and good luck. Maayong adlaw
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Maraming salamat di po nay @olivia08.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Maka relax jud ni ba..pa wala sa mga sakit sa lawas ug mga panohot...heheheheh... God Bless!!!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Mao gyud sir @loloy2020, galing lang kay mahal dili ko ka afford. Hehehe
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
i guess ang fave part ko dun is yung pagshare mo ng steemit sa masahista
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
😄 sakto jud ka maam.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Wow @chibas.arkanghil naay libreng masahe jud. Anyways, happy birthday sa imong bugoy..
Thank you for inviting me. I will submit my entry asap.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
😄Thank you @momshie85
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Shared it on my twitter
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit