Madami sa atin ay napapagod dahil walang tigil ang paghabol natin sa “success”. Pero madalas ang definition natin ng success ay madaming pera at nabibili natin ang mga gusto natin. Ang reyalidad ay hindi tayo mauubusan ng gusto (wants) sa buhay natin kaya walang tigil ang paghabol natin. At ang nakakalungkot ay madalas dahil sa nakikita natin sa social media kaya tayo ay naprepressure o nagkakaroon ng desire na makuha din o ma-experience din yung nakita natin sa feed natin.
Sana maunawaan natin na lahat ng bagay sa mundong ito ay temporary lang at wala tayong kayang dalhin kaya kung ibubuhos natin ang buhay natin sa bagay na hindi naman maglalast ay sayang ang buhay natin.
Sana ay matutunan din nating ma-distinguish ang needs at wants. At matutunan natin mag-focus na mapunan ang needs natin tapos kung may sobra ay itanong natin sa Panginoon kung bakit may sobra sa blessing Niya at kung ano ang dapat natin gawin dito.
Mag focus sa ating mga needs hindi sa wants. Devote ang ating buhay sa mga bagay na mahalaga sa walang hanggan at hindi pansamantala lamang. Tuparin ang layunin ng Diyos para sa ating buhay sa maikling panahon natin sa mundong ito. Magandang araw sa ating lahat
Photos are mine and taken by me using my A10s
@ Urdaneta City, Pangasinan, Philippines
Thank you for stopping by:-)
May God our Father and the Lord Jesus Christ give you grace and peace.
God bless us all :-)
super timely ng post po ninyu .. tunay na may natutunan ako..salamat po and God bless!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Tama po kayo at higit sa lahat, mag focus tayo sa Dios dahil Siya lang ang pinakamahalaga sa lahat...
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit