Isang mapagpalang araw sa ating lahat, lalong-lalo na sa mga magiliw na magbabasa dito sa Steemit Philippines.
Ang Diyos ay gumawa ng mga hayop upang makatulong sa kalikasan. Ang iba naman ay para mapasaya ang mga tao dahil sa pag-aalaga nito.
Ato ay si WENDY at CLOUD, ito ay maliliit pa nang kinupkop ko ito dahil itinapon kasi ng may-ari ang mga ito. Basang-basa at giniginaw kaya inuwi ko ito sa bahay. Mga araw na lumipas ay unti-unting gumaling at gumanda ang kondisyon nilang dalawa.
Ang pagkaawa natin sa mga hayop ay magkatulad lang sa pagkaawa natin sa mga tao. Kahit hayop sila ay may buhay din sila na marunong masasaktan at magalit. Nangangailangan din sila ng atensyon, kalinga at pagmamahal. Makikita natin na kapag sila ay masaya o maligaya, naglalaro ang mga ito minsan makikipaglaro sila sa atin.
Mahilig talaga ako sa mga hayop lalo na sa mga aso at pusa. Kapag may nakikita akong pusa na nasa gilid ng daan o gilid ng ilog ako ay naaawa. May mga tao din na matapang ang loob. Pinapatay at kinakatay nila ang mga aso. O pinapatay nila ang pusa na walang rason.
Ito naman si TAM-TAM, napakalikot ng tutang ito. Kahit saan-saan nalang pumupunta at nagtatago. Mahirap hanapin lalo na at hindi pa niya alam ang kanyang pangalan. Ang asong ito ay ibinigay ng kapit-bahay namin. Lugod ko namang tinanggap para pagdating ng panahon na malaki na ito ay may magbabantay na ng bahay namin. Kaya inaalagaan ko ito ng tama.
Ito naman si Milk, ito ay may dalawang kulay ng mata, yung isa niyang mata ay kulay Blue at ang isang mata ay kulay Yellow. Medyo payat pa ang pusang ito kasi nagkakasakit ito noong nagdaang araw.
Nakakapagbigay sila ng kaligayahan sa akin, lalo na kapag pagod ako at kung nakikita ko silang naglalaro ay masaya rin ako at maiibsan ang pagod ko. Kaya mahal ko ang mga alaga ko at aalagaan ko sila habang-buhay...
Ang cute naman!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat po.. 😊😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Walang anuman!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit