Halaman

in hive-169461 •  4 years ago 

Isang mapagpalang araw sa ating lahat, lalong-lalo na sa nagagandahan at nagagwapohang mga magbabasa sa post ko dito sa STEEMIT PHILIPPINES. Narito ang post ko sa araw na ito.

IMG_20210413_083259.jpg

Ang halaman lalong-lalo na ang mga halaman na inaalagaan natin sa ating bahay ay kabilang din sa tinatawag na kalikasan. Ang kaibahan lang dito ay inaalagaan natin sila. Dinidiligan, nilalagyan ng pataba at nilalagyan ng magandang lalagyan kabilangna ang magandang lupa na pagtataniman. Dagdag pa rito ay makakatulong ito upang maging makulay ang ating lugar. Nakakawala ng stress at makakapagbigay ng payapang isip.

Ngayon, nais ko pong ipakilala sa inyo ang ilan sa mga halaman na koleksyon ko.

IMG20210413080833.jpg
Ito ay ang QUEEN PLANT, isa itong uri ng DEFFENBACHIA PLANT na makikita sa kagubatan. Ang mga dahon nito ay parang plastics kapag titingnan at hahawakan. Maganda itong ilagay sa loob ng bahay. Matingkad ang mga kulay nito kaya mas kaaya-ayang tingan.

IMG20210413080845.jpg
Ito naman ang GOLDEN POTHOS PLANT, isang uri ng halaman na gumagapang at kadalasan makikita ito sa mga malalaking puno ng kahoy. May dwarf din ng Golden Pothos at ang ibang tao ay inilalagay ito sa loob ng bahay dahil pampaswerte daw ito.

IMG20210413080916.jpg
Ito naman ang CAMOUFLAGE CALADIUM, o mas kilala sa tawag na GABE-GABE dahil sa dahon at bunga nito na magkakahalintulad sa Gabe. Ito ay isang uri ng halaman na matagal dumami kaya tinatawag itong RARE PLANT.

IMG20210413080927.jpg
GREEN VELVET PLANT, ito ay magkakatulad sa caladium matagal din itong dumami. Ang dahon nito ay makapal at magaspang. Malalapad ang mga dahon nito at magandang tingnan.

IMG20210413080943.jpg
Ito naman ay BLACK PRINCE SUCCULENT PLANT, isang uri ng halaman na tumutubo kahit dahon lang ang itatanim nito. Kadalasan makikita ang mga saha nito sa gilid ng MOTHER PLANT. Parang plastic din ito at magandang ilagay sa mga center table.

IMG20210413081103.jpg
Ito naman ang MORNING GLORY FLOWER, isang uri ng bulaklak na namumulaklak tuwing umaga lamang at titiklop pagdating ng tanghali. Hindi mahirap patubuin ito dahil madaling tumubo at madaling dumami.

IMG20210413081111.jpg
Ito naman ay ang TEA PLANT, may ibat-ibang uri ng tea plant pati na ang mga kulay at desenyo nito. Maganda itong itanim sa gilid ng bahay. Tinatawag din itong fortune plant.

IMG_20210413_081245.jpg
SANTAN. Ang santan ay may ibat-ibang kulay ng bulaklak, may orange, yellow at red. May dwarf sin na santan.

IMG20210413081306.jpg
Ito naman ang ALOCASIA NEGRA PLANT, tumutubo ito sa ilalim ng punong-mangga. Kapag natatamaan ito ng sikat ng araw ay masusunog ang mga dahon nito. Inilalagay ito sa hindi deriktang tatamaan ng araw.

Ngayon, nakilala na natin ang ilan sa mga halaman na nagbibigay ng payapa, kagandahan at kaayusan sa ating buhay. Sana ay nagustuhan niyo po ang post ko.

      🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼

Nais ko rin pong pasalamatan ang lahat na sumusuporta palagi sa aking post lalong-lalo na kay @olivia08, @loloy20, at ang mga steemit team na sina @steemitcurator08, @steemitcurator01, at @steemitcurator02.

Source:
Captured by my phone and actual photo on my plant collections.

Yun lamang po at maraming salamat. Godbless.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

paano padamihin ang black prince

Yung mga matured leaves niya bro ohtom, ilagay lang sa lupa. Pero matagal ito tutubo.. 😊😊

Tuloy sa araw na pagzulat

Salamat nay..

ganda ng mga halaman.

Salamat ate 😊😊