6-2pm shift duty #Thediarygame #Club5050

in hive-169461 •  2 years ago 

Hello to all my steemit Friends Philippines community at sa buong mundo...
Have a wonderful afternoon....

Ngayon lang ulit nakapag post guys dahil sa Sobrang busy ng mga nakaraang araw....

received_1012394199472991.jpeg

share ko lang sa inyo guys ngayon lang ako naka witness sa loob ng limanh buwan na naka pasok ako dito sa government hospital...yung wala nang mapaglagyan ang pasyente walang na bed dalawang room ER bay na yung nagamit namin pag dating ko palang kanina sa nurse station namin hindi na nako nakapag comb ng buhok tinali ko nalang kasi may nanganak agad...

Hindi ko naman pwede iwan sa outgoing duty dahil pauwi na so samin na yun and afterwards sunod sunod na yung pag pasok ng pasyente at sabay sabay din yung nanganak hindi na namin alam kung sino uunahin yung ibang gyne case na for may go home nakauwi sila nang gabi haha..

So while hinahatid ko sila sa labas ang palagi kong sinasabi na " maam pasensya na po kayo dahil lagi naming priority ang manganganak kaya hindi namin kayo naasekaso agad at napauwi dahil nga hindi namin kailangan iwanan... Ang response naman ni maam ay tumawa at sinabing naintindihan naman nila at nakikita kung gaano ka busy halos hindi na kami nag kukwentuhan.....

Limang Delivery lang naman kami kanina pero yun nga lang tatlo ang nag sabay at dalawa naman kaninang 1:45 pm...

At may dalawang Emergency Curratage dahil nag bleeding kailangan raspahin at isang emergency for CS at dalawang Cs Scheduled for tomorrow may dalawang high blood ja buntis kailangan din bigyan ng gamot at tatlong kaso ng hyperacidity hindi naman pwede na ibigay nalang namin sa next shift kasi sa shift namin pumasok....

Kaya tambak ang paper works at naka tingga ang iba pang buntis...

Wahhhh ito yung araw na hindi nako nakakain at nakainum ng tubig for 8 hours at hindi na rin naka ihi grabe inaalala ko talaga ang ang health ko kung palaging ganito araw araw...

Kaya sabi ni doctora ang mga pasyente namin ngayon ay parang ber Months na dati dinadagsa sila pero hindi ganito na July palang Punuan na ang wards at naubusan na ng bed sa ER

Hindi pa Kasama doon ang pinalipat namin Buntis kasi wala na talagang mapaglagyan...

Tapos may mga demanding pa na pasyente Hindi talaga maiwasan hays....

Yan nasa picture po guys sila po yung kakatapos lang nanganak may mga in labor pa po na Apat nasa kabilang er BAY at hindi pa kasama jan ang nasa LABOR room na may dalawa din in Labor...

Kaya sa Sobrang pagod ko kanina nakatulog ako pag dating ng Bahay uminum lang ako ng tubig at kumain ng tinapay at nakapag pahinga din sa wakas 8 hours din akong palakad lakad kanina ....

Halos hindi na ako makalakad pauwi sa bahay kanina sa Sobrang pagod parang gusto ko NALANG matulog sa kalye...

O sha dito lang muna ang aking short diary at akoy kakain na muna guys...

Thank you for always reading my short diary my steemit Friends Philippines...

God bless us always and take care.....!!!!

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Salamat sa mga taong tulad mo. Sakripisyo din ang tungkulin mo san ay bigyan ka ni Lord ng kalakasan sa araw araw.

Always welcome po madam😇

This post has been chosen to be recommended for the @booming support program.

DetailsRemarks
#steemexclusive
Club StatusClub100
Plagiarism Free
Bot-Free
At least 300 Words
Delegator
Verified Member/Visitor

Thank for creating a quality content in the Steemit Philippines Community.

-Admin-
@loloy2020

Note: Please refrain from using spd4steem tag especially this is not a spud4steem post or powerup post. Thank you!

Thanks for the reminder maam😇

super busy talga pag ganun noh? grabe ung di maka ihi in 8 hours... waaah di ko kaya!

Sobra po talaga ma'am dehydrated na din kasi walang nang tubig huhu