Hello steemians friends ko musta kayong lahat.
Sana nasa mabuting kalagayan kayong lahat ...
Ngayon lang ulit nakapag post dahil Sobrang busy ng mga nakaraang araw dahil sa work..
Post off Duty na naman ako
Kanina kasi off ko namasyal kami ng aking asawa sa Jala Jala, Rizal
Nasa 1 hour and 33 minutes ang layo neto galiang Quezon City or 67 kilometers.
Medyo malayo siya guys pero dahil na attract ako sa ganda niya pinuntahan namin at grabe ang sakit sa likod haha pero tiis lang nakakaenjoy naman dahil sa magagandang view na nadadaanan namin ng asawa ko.
Sobrang ganda ng view ang haba ng daan at napakatulin ng takbo namin nakakarelax sa mind kahit papano na ibsan din kunti yung stress ko hehe ..
Walang traffic at napaka fresh ng hangin kahit maiinit . ..
Hindi rin nakakatakot kasi mababait yung mga tao . Marami rin kaming nakasalubong na mga rider's galing metro manila...
Dinadayo talaga ang lugar dito sabi ng mga caretaker pag weekdays medyo nabibilang lang yung tao pero pag weekend nakapila yung mga dumadayo. Sobrang ganda naman din kasi ng place lalo ang sunflower Sobrang laki nila ang napakaganda... Sulit yung isa't kalahating oras na biyahe mawawala ang pagod mo pag narating muna.. tsaka marami ding mabibilhan na pagkain dito guys kaya sulit na...
Salamat ulit sa pag basa ng aking diary for today guys....
Goodnight po sating lahat at God bless bukkas may duty pa ako kaya bawal nang mag puyat
Ingat steemians friends ko....