Time to Introduce Myself! 2021

in hive-169461 •  4 years ago  (edited)

Hello Steemians!

Kumusta? Gusto ko lang pong magpakilala dito sa ating community.

I'm Joshua Ruiz pero kahit Josh nalang po ang itawag ninyo sakin.

josh pic.jpg

Nag-simula po ako dito sa Steemit noong 2017 pero hindi rin nagtagal ay napabayaan ito sa maraming kadahilanan.

Di ko narin namalayan na mahabang taon na pala ang mga nasayang ko.

Kaya andito po akong muli upang magpakilala, at sana ay inyong marapating maging bahagi ng inyong community.

Gagawin ko po sa aking makakaya na makatulong sa paglaki natin at ng sa gayon maging daan upang makatulong sa ating mga kapwa pilipino.

Ako po ay 3 taon ng Work From Home Dad. Aaaminin ko na naging mahirap talaga sakin makapag-focus dito sa Steemit dahil sa mga pinagdaanan kong trabaho.

Akala ko nung una madali lang pero mahirap pala mag Work From Home dahil humalo na ito sa pang araw-araw na gawain sa loob ng bahay.

Hindi tulad sa nagtatatrabaho sa isang opisina. Sa opisina, pwedeng iwanan ang lahat ng isipin at alalahanin at hindi ito dalhin sa loob ng bahay.

Ganun pa man, pinilit kong ayusing maigi ang aking schedule. Bigyang pansin ang "Time Management".

Kaya heto akong muli, nagbabalik dito sa Steemit dahil medyo nakuha ko na ang tamang diskarte para mapagsabay-sabay ito sa aking trabaho.

Nandito rin ako upang sa aking effort at sa tulong din ninyo ay makadagdag ito sa pang araw-araw na gastusin lalo na at panahon ngayon ng Pandemya.

Panahon upang mag damayan. Panahon upang mag malasakitan.

Kaya't sisikapin ko ring ibahagi ang mga alam ko sa industriya ng online jobs at work from home.

Maraming Salamat!

Hanggang sa muli, Steemians!

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  
  ·  4 years ago (edited)

First one to upvote and comment! hahaha Welcome po sa Philippine community at sa steemit again.

Tama! Tayo-tayo magtutulungan sa panahon ngayon.

thanks po!

Hi @joshruiz!! Welcome to Steem Community! I hope you enjoy #steemit.

I'd like to invite you to join Newcomers Community. There is a program where you will go through a series of achievements and completing some tasks so you get to learn more about this great platform. For a start, please check out this post, @cryptokannon will guide you!!

There are many growing communities here that you may want to join.

For knowing about different places, Steem Geography

For music, check out Music For Steem 🎵 .

For writing, Writing & Reviews Community.

Steemit Nursery is a community for you, as Steemit Newborn, to be accompanied at the beginning of your Steemit journey.

For photography, World of Xpilar hosts many photography contests.

Please follow @steemitblog for the latest update and news on steem and @steemingcurators for Steem Community contest and challenges.

Have a nice day!

The Steem Greeters Team

thank you so much! I'll definitely check the communities that you've provided.

🌻

Welcome po Sa Steemit. Matagal tagal din akong napahinga dito hehe. Goodluck sa ating lahat.

salamat po!

welcome back po!