Hello po isang mapagpalang araw sa lahat.
Kanina ay maaga po kaming gumising ng pamilya ko, kasi e didikar si baby enoch sa Panginoon. Kaya maaga po kaming bumiyahe ng pamilya ko mga 5am in the morning, kasi tutulong po ang asawa ko sa gawain doon. At kahit naka jacket po ako ay tagos parin yung lamig sa katawan ko, kaya pagdating namin doon ay nagkape mo na kami.

Pagkatapos nmin na magkape ay pahinga saglit, pagkatapos ay naligo muna ako kasi di ako nakaligo sa aming bahay kasi ang lamig pa☺️☺️☺️.Mga bandang alas 7am ay pumunta ako sa aking tinatrabahoan na bahay kasi magkapitbahay lang po nakatira ang nanay ni enoch sa aking tinatrabahoan. Pagdating ng 1:30pm ay pumunta na po ng simbahan ang mag ina ko. Naiwan po ako kasi hapon pa po yung out ng trabaho ko .Pagkatpos ng work ko ay dumiritso po ako sa simbahan. At pagdating ko doon ay tapos na po yung program.pero sabi ko sa asawa ko ng kumuha ng mgs litrato para may ma post ako sa steemitphilippines kasi mamayang hapon pa ang out ng work ko. Kaya kahit nahuli ako ay may mga larawan parin akung na post ngayong araw na ito ☺️☺️.


Kaya ang ginawa ko ay umupo nalang muna tapos nanonood sa mga bisita na nagpicture taking sa stage, at kumain nalang din po ako habang pinapanood po sila. Ang dami palang bisita akala ko kunti lng kasi social distancing di na pala.😂😂😂.
At may surprisa pa pala may nagbibigay ng letchon on the spot pero nag order pa sila, kaya matagal kami doon ng hintay kasi ayaw naman ng nanay ni enoch na uuwi na kami sabi niya ay maghintay kami kasi darating ang letchon mga 7pm, dumating nga ang order nila na letchon kaso mga bandang alas 8pm na, kaya ng sabihin nila na kainan na ay talagang nagsisiksikan po ang mga tao kaya di nlng kami lumapit, doon nlng kami nanghingi sa nanay ni enoch☺️☺️Pagkatapos ay tinawagan po ako ng pastor namin yung bahay na pinagtatrabahoan ko, kasi may lakad po sila bukas, madaling araw po sila aalis. Binibigyan po niya ako kung ano ang unahin namin bukas na gagawin, baka daw kasi doon sila magsisimba sa linggo at lunes ma sila makakauwi sa bahay nila. Kaya pagkatapos namin mag usap ay umuwi na rin kami kasi gabi na.


At pagdating namin sa aming lungsod ay huminto kami sa 7eleven kasi bumili ang asawa ko ng softdrinks pang himagas daw. At salamat sa Panginoon at nka uwi kami na safe and sound .
It was a very fun event, I hope you are always together in a happy family👏😊🌈
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Yes sir..
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit