Ang lugar kong saan nakatayo ang naturang estatwa ay napapalibutan ng mga halaman at puno. May hagdanan din sa gitna nito kaya pwedeng makaakyat ng mg taong gustong kumuha ng letrato sa boung lugar. Sa likod ng bantayog na ito ay may hagdanan din na makikita. Sa ibabang parte ng bantayog ay nakaukit ng kanyang pangalan. Ang mismong kinatatayuan ng estatwa ay may dekorasyon na mga malalaking umbok ng mga bato at nilalagyan ng semento para mas maging matibay ito.
Ito naman ang bantayog ni Dr. Jose P. Rizal, isa rin siyang maituturing na bayani. Walang hagdanan ang kanyang bantayog at ang nakaukit lang na pangalan ang makikita dito. Malapit sa monumento niya ay makikita ng mga punong-kahoy na sadyang itinanim para mas maging kaaya-ayang tingnan ang lugar. Matagal nang ginawa ang mga monumentong ito at nililinis lang para mas magandang tingnan ang boung lugar.
Kapag maulan ay napakamaputik ang lugar na ito, nahihirapan ang mga bisita na makapasok dito dahil sa tindi ng putik kong tag-ulan at alikabok kapag tag-init naman. Kaya, minabuti ng Lokal na Pamahalaan na gumawa ng mga pathways para hindi na mahirapan ng mg tao na pupunta dito. Gawa sa bricks ang naturang mga pathways, at inilagay ito ng tama pagkatapos ay nilagyan ng semento para mas maging matibay. Bawat lugar ay nakakonekta ng mga sementadong daan para madaling makapunta ang mga bisita sa ibang bahagi ng parke.
Bawat gilid ng parke ay may nakalagay na mga sementadong upuan o bench. Masarap at magandang magpahinga dito lalo na kapag malamig ang lugar dahil sa mga punong-kahoy. Napakahalaga at napakaimportante ang mga upuang ito, lalo na sa mga kliyente o mga taong pupunta sa munsipyo para kumuha ng papeles. Maganda itong pahpahingahaan habang naghihintay. Para mas maging maganda at maliwanag ang boung lugar ay may mga ilaw din na makikita. Pinapanatili naman ang kalinisan sa boung lugar dahil may mga taong nakaantabay para maglinis.
Ito naman ang aming fountain. Pinapaandar ito kapag may okasyon, aktibidades o mga ibat-ibang programa sa Lungsod. Maraming mga bisita ang mamamangha kapag makikita nila ang pagbulusok ng mga tubig nito. Makikita ito sa ikalawang bahagi ng Parke, at napapalibutan din ito ng mga halaman at sementadong daanan ng mga tao. Nagsisilbi rin itong atraksyon sa ibat-ibang tao na nagmula pa sa malalayong lugar, maliban sa namamangha sila ay kumukuha rin sila ng mga letrato kasama ang kanilang pamilya o di kaya ay mga kaibigan.
Ito naman ang aming gymnasium, masaya kami dahil sa wakas ay unti-unti nang pinapaganda ang lugar na ito. Nakakatulong ito para hindi na mababasa ang mga tao kapag nanonood ng mga programa. Halos nasa 800 ka tao ng pwedeng makapasok dito dahil medyo pinalakihan nila ang naturang gymnasium.
Lubos ang aking kaligayahan sa aking paglilibut kanina sa aming parke, dagdag pa nito ang maganda at kaaya-ayang tanawin sa lugar.
Bago ko tatapusin ang talaarawan ko para sa gabing ito ay nais kong imbitahan sina ate @jurich60, ate @amayphin at @jessmcwhite, at ang 25% sa post kong ito ay ibabahagi ko sa @null.
Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Thank you very much..
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
TEAM 5 CURATORS
This post has been upvoted through steemcurator08. We support quality posts anywhere and with any tags. Curated by: @chant
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Thank you very much for the support.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit