Edited By: Canva Application
Magandang gabi sa lahat..
Ito ay ang Piniritong itlog na may kasamang sardinas. Ang aking pamilya ay mahilig kumain nito kadalasan ay inilalagay namin ito sa tinapay bilang palaman at minsan sa kanin naman dahil masarap din ito kapag pinarisan ng kanin. Napakasimple nitong lutuin at hindi gaanong magastos at madali lang din itong lutuin. Isa ito sa mga pagkaing probinsya kaya malimit lang ang nagluluto nito.
Narito ang mga sangkap sa pagluluto nito:
Dami | Sangkap | |
---|---|---|
3 Piraso | Itlog | |
1 lata | Sardinas | |
1 Boung | Sibuyas | |
2 Lusok | Bawang | |
Asin | ||
Ibang Pampalasa | ||
Mantika |
Bago ang lahat, dapat hiwain muna ang bawang at sibuyas sa maliliit na piraso. Ito talaga ang inuuna kapag tayo ay magigisa ng anumang uri ng ulam. Kapag nahiwa na lahat, maglagay at magpainit ng mantika sa kawali at pritohin ito. Kapag lumabas na ang mababangong amoy at maging kulay golden brown ay pwede nang ilagay ang sardinas.
Kapag tapos na ang paggisa ng bawang at sibuyas, sunod ilagay ang sardinas at haluin ito ng maayos. Pwede ring durugin ang laman ng sardinas para dadami ito at gisahin ito ng ilang segundo.
Magbatil ng itlog at pagkatapos ay ihalo ito sa ginisang sardinas. Haluin ito ng mabuti hanggang sa maging malaput na ito. Lagyan ng katamtamang dami ng asin at iba pang pampalasa, haluin uli at hintaying maluto.
Ganyan lang kasimpleng lutuin ito, hindi magastos at napakasarap pa. Paborito ito ng mga bata at matatanda.
Syempre, hindi kompleto sa hapagkainan kapag walang panghimagas.
Ito ang tinatawag naming Tapioca. Isa ito sa mga paboritong kainin at angkop na angkop na kainin kapag mainit ang panahon. Nilalako at itinitinda din ito sa palengke o malapit sa paaralan. Medyo magastos nga lang ang mga sangkap nito pero minsan lang din naman kaming gumagawa nito.
Narito ang mga sangkap sa paggawa ng tapioca:
Sangkap | ||
---|---|---|
Tapioca | ||
Asukal | ||
Condense Milk | ||
Gulaman |
Una, ilagay muna ang gulaman powder sa kawali, kaldero o takuri man at pakuluan ito ng ilang minuto. Kapag kumulo na ay agad itong ilagay sa isang malinis na plato at hintaying lumamig. Kapag lumamig na ay titigas ito, hiwain ito sa maliliit na piraso.
Ihanda ang condense milk. Ito ang isa sa magpapasarap sa gulaman o tapioca o alin mang mga pangmeryenda na sinasahugan ng gatas.
Pagkatapos hiwa-hiwain ang mga gulaman ay agad itong ilagay sa isang sisidlan. Pwede ring lagyan ng buko o macaroni kong meron man. Kapag nalagay na lahat ay agada ilagay din ang condense milk at white sugar. Haluin ng mabuti at lagyan ng ice o di kaya ay ilagay sa refrigerator para lumamig.
Yummy ahh, fave ko din yang Tapioca.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Me too ate.. perfect panghimagas yan. 😊😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.
Enhorabuena, su "post" ha sido "up-voted" por @dsc-r2cornell, que es la "cuenta curating" de la Comunidad de la Discordia de @R2cornell.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Thank you very much.. 😊😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Sarap!...nakakAtakam hehehe
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Yes.. kain tayo 😁😁 Salamat sa pagbisita sa aking post.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Nice day 🥰
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Yes it was.. Thank you for visiting my post..
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit