Operation Carpentry

in hive-169461 •  3 years ago 

Kumusta po,

Dulot ng bagyong odette ay natuto na rin talaga sa mga gawaing bahay. Katulad na lang ng isang pagiging karpentero. Kung saan kinakailangan talaga ngayon ang mga karpentero. Dahil marami-rami ring mga bahay at mga bubungan ang nawawasak at nasisira dulot ng bagyo. Kaya pupular talaga ang mga karpentero sa ngayon.

20220103_102950.jpg

20220103_140016.jpg

Kaya ibinabahagi ko po ngayon sa inyo ang aking naging mga trabaho sa mga araw pagkatapos ng bagyo. Medyo hindi naman naging malayo sa aking nakasanayan na trabaho ang pagiging isang Draftsman kung saan taga-gawa ng mga plano ng bahay. At marunong din naman ako ng kaunti sa trabahong ito. Dahil simula't nagbebenata ako ay sumasama na ako sa aking ama na isa namang Foreman sa mga karpentero ng bahay at mga gusali.

20220103_105212.jpg

20220103_105207.jpg

At nasasanay na rin sa mga trabahong ito. At malaki rin naman talagang pakinabang pag may alam sa mga bagay-bagay. Kung baga para kay kuya Kim, dapat alam mo? Kaya malaki-laki rin talagang tulong at pakinabang para sa akin pag may alam. At ito talaga ang reyalidad sa buhay, dapat may alam sa mga trabahong ito. Para kung saan sa mga oras ng kalamidad katulad ng bagyo ay may alam sa mga gawaing bahay.

20220103_102711.jpg

20220103_102651.jpg

Kaya ako na lang ang nagiging karpentero sa aming bahay. Hindi na kailangang maghanap at magbayad ng karpentero para trumabaho sa bubungan ng aming bahay na winasak ni odette. Ako na lang ang gumawa pero kailangan lang rin talagang mag-ingat para iwas disgrasya. Mahirap na, kaya todo ingat lang!!

20220103_114604.jpg

20220103_134845.jpg

At hanggang dito na lang po! Maraming salamat po! Sana'y makapagbigay ito ng inspirasyon sa lahat ng aking kapwa-stemyang Pilipino.

Bangon Sugbo!!

❤🙏

@natz04

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!