Scary steps

in hive-169461 •  4 years ago 

.
Natatakot ako sa bawat hakbang
ng iyong mga paa
at ang daang tinatahak ng iyong isip.
Hindi na ito maihahalintulad sa dati
na ako lang ang maaari
at ang mapang
makapagbabalik sa iyong mga ngiti
na minsang naglaho
sa malarosas na singtamis ng mansanas
mong mga labi.
Sa kanluran—
nandoon ang mga larong nakasanayan
at ako ngayo'y sinasanay,
hiniling mong ako ay masanay,
nasanay.
Sa silangan—
pinagmasdan ko ang papalubog na araw
sa namamangha mong mga mata
habang patuloy lang sa pagsayaw
ang mga paru-parong ginawang hardin
ang dati'y sikmura ko lamang
at ngayo'y umaasa
pagkat iyon ang inalay mong pag-asa,
umasa.
Tila napalayo ang iyong paglalakbay;
nasa magkaibang poste tayo
kahit hawak ko ang iyong kaliwang kamay.
Hindi ka man lang nagpaalam,
hindi ka na nagparamdam,
hindi ka bumalik hanggang sa pagbilang ko ng siyam.
Nalunod ako sa ideyang ang "paalam" ay iyo ring mababanggit,
kahit masakit,
kahit pa ang dahilan nito'y sa puwesto ko'y mayroon ng pumalit.
Hilingin ko man na makasama ka ay hindi maaari kahit pa sa susunod na magpakailanman
dahil sadyang ako'y hindi para sayo nakalaan.
Nagpapaalam,
.
FB_IMG_1620868401158.jpg

.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!