My Introduction to Steemit Philippines by sxshx

in hive-169461 •  3 years ago 
Hello Philippines and Hello World!

Hello po, Ako nga po pala si Hassanah pero pwede niyo po akong tawagin bilang sasha. Ako po ay nakatira sa Lungsod ng Maynila at kasalukuyang nag-aaral sa National University-Manila.

Ako po ay bagong miyembro lang ng Steemit at kinagagalak ko po malaman na may kumonidad din ang mga Filipino dito sa Steemit.

Ang Steemit po ay inindursiyo sa akin ng isa sa mga matalik kong kaibigan na si @hanna716 batid niya ay pwede daw po akong kumita habang naglalahad ng aking nararamdaman dito sa Steemit.


me.jpg

Ako po ay walang alam tungkol sa crypto pero naririnig ko po ito at nababasa sa social media, kaya gusto ko rin po sana palawakin ang aking kaalaman tungkol dito.

Mahilig ko po ayusan ang aking buhok kaya po lagi ko itong iniibihan ng istilo at higit sa lahat mahilig po ako kumain ng pizza


image.png
Ang ayaw ko po sa sarili ko ay masyado po akong palakaibigan na minsan nakakasama na ito sa akin.

Ako po ay mahilig manood ng mga serye tungkol sa dokumentaryo tungkol sa krimen, forensic at nakikinig din po ako sa mga podcast.

Ang aking paboritong serye ay Dexter



Ito rin po ang dahilan kaya pinapangarap ko na maging Forensic Psychologist

Ako rin po ay masugit na taga-hanga ni Kristaps Porzingis at Cristano Ronaldo. Nakahiligin ko manood ng Basketbol at Footbol simula ako'y bata pa dahil narin po sa hilig ng tatay ko dito. Sinusuportahan ko po ang Real Madrid, Juventus at Liverpool sa Basketbol naman po ay ang Dallas Mavericks, Boston Celtics at San Antonio Spurs.


image.png


image.png

Dito naman po sa pilipinas ay paborito ko ang team ng San Miguel Beerman

image.png

Nahihilig po ako ngayon sa pagguguhit at mag pinta.


paint.jpg

nikita.jpg

michael.jpg

Gusto ko po maging aktibo para maibahagi ang aking munting talento sa pagpipinta at paguguhit dito sa platapormang ito.

Gusto ko po pasalamatan ang aking matalik na kaibigan na si @hanna716 dahil pinakilala niya sa akin ang steemit, gusto ko na rin po batiin siya dahil po birthday na rin niya sa ika-labinganim ng Hulyo.

Happy Happy Birthday Hanna, I love you so much, Thank you for always being there for me. I am so thankful to be your friend. Let's chase our dream together and I am gonna be with you til the end. Fighting!


hanna.jpg


Maraming salamat po sa inyong lahat.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Gusto ko ung paending tpos english hahaha yiiee thank you ksi excited ka sa birthday ko. Pakayaman tayo dto. Haha basta tyaga lng tyo.

Mabuhay at Maraming salamat sa iyong pagpapakilala dito sa ating Steemit Philippines Community.

Para po sa karagdagang impormasyon at sa mga contest nang ating community, maari mo pong bisitahin ang ating community account.

E-click po dito

God Bless po!!!

Maraming Salamat po :)