Burnsteem25|| March 28, 2023|| Diary Game Season 3|| "Ang Pagbisita Ko Sa Aming Ilog"

in hive-169461 •  2 years ago 

2dk2RRM2dZ8gKjXsrozapsD83FxL3Xbyyi5LFttAhrXxr16mCe4arfLHWfcNMWxb2hpxwvRM5MjCRWYwUGduj2UpgeZ5uiLCV662neZoyJiqawFvTpQ7sEKvTvLTCh9SgjhbKLUKyYDqsVVjMfPCTXV1zUDDVD4gPGPUqraDtr.jpeg

Marami tayong matutuklasang mga maraming magagandang bagay o lugar kapag nasa Probinsya tayo . Iilan sa mga makikita natin ay ang mga magagandang mga bundok, karagatan, kapatagan at ilog . Sa pagbisita ko sa aming ilog dito sa Manticao ay talagang nakakamanghang tingnan at sa katunayan maraming mga taong nagsisipuntahan dito para magtampisaw, at magpicinic kasama ang pamilya o magkakabarkada. Dito sa lugar na ito kadalasang pumupunta ang mga bata para maligo. May mga matatanda rin ang naglalaba dito sa naturang lugar dahil maliban sa malalim at pwedeng paglanguyan ay malinis din ang tubig. Isa sa mga pangunahing problema dito sa lugar ay ang patuloy na pagguho ng mga lupa, dahilan nito ay ang agos ng tubig na direktang tumatama sa lugar kong nasaan ang pagguho.

NTy4GV6ooFRmaCXZ8UYgPhoud1kjiNX8QokLEZtbBKLuLWQ9yt7K3o4Hh1mG54z6pmQ6eUihs1VsvrcqMRX87b4KN8TFrkcauoEvj4iNnXhyVfNzt3ySbqU7Se1uPFoTqCYyd3cr1pqQGR1VdhooCfwE2KQp6oQcDAhBbQJa.png

Ilan sa mga malubhang naapektohan dulot ng mga pag-ulan ay itong lugar na ito . Ang lupa kong saan nakatanim ang napakalaking puno ng kawayan ay gumuho at nasa tubigan na. Kahit mainit ang panahon ay patuloy pa ring gumuguho ang lupa at malapit na ito sa daanan ng mga tao, nangangamba na sila baka magpapatuloy pa ang pagguho at aabot na sa daanan nila.

NTy4GV6ooFRmaCXZ8UYgPhoud1kjiNX8QokLEZtbBKLuLWQ9yt7K3o4Hh1mG54z6pmQ6eUihry67oJqnC1szUwGpBXnnsLPqafF8sL181uziktfk2GG1g4kBeNvgYdU3fpZVQBRUje7yXbopx6tLSXmegZ4EWLERU1pk9WxE.png

Sinuri ng kagawaran itong lugar kong saan nangyari ang paguho, at sabi nila na ang lupa ay nahahaluan ng buhangin o sandy soil kong tawagin kaya madali lang itong guguho kapag natutubigan. Dahil sa problemang ito ay agad lumapit sa Barangay ang mga residente at isinalaysay ang problema tungkol sa lugar nila. Kahiy walang pagbaha at napakainit ng panahon ay patuloy pa rin ang pagbiyak ng mga lupa, at agad namang tinugunan ng temporaryong sulosyon.

NTy4GV6ooFRmaCXZ8UYgPhoud1kjiNX8QokLEZtbBKLuLWQ9yt7K3o4Hh1mG54z6pmQ6eUihry4xGTNgbJw2TokwJavGYxsz4ixRWgBDfRxB6hDA6j5EaYPYns4cbVBzPmXtjLvfwiyzDnwcKgswVuZBbBZbobQhFQxfrxsp.png

Agad pumunta ang backhoe na pagmamay-ari ng barangay at naghukay sila ng ibang madadaanan ng tubig sa ilog. Temporaryo lang ito para hindi guguho ang lupa, malaki kasi ang kailangang pera para makagawa ng kongkreto at permamenteng sulosyon. Unti-unti nang natuyo ang dating daanan ng tubig at para hindi na makadaan uli ang tubig ay sinara nila ito gamit ang mga buhangin at bato. Sa ngayon, nag-iba ng rota ang tubig at hindi na direktang tatama sa pampang.

NTy4GV6ooFRmaCXZ8UYgPhoud1kjiNX8QokLEZtbBKLuLWQ9yt7K3o4Hh1mG54z6pmQ6eUihryU2GpKBxsAuGn9NXAMm2UWSxybnpA3ZZamGkzagBVCqLSf81J9DopHoMFEP6KUHBFs2iULVdhga9hZ4CaWRNRBT9rwcEf98.png

Ang dati na malalakas na agos ang makikita dito, ngayon ay wala na. Pinayuhan din ng lokal na Pamahalaan ang bawat residente dito na magtanim ng mga puno gaya ng Madre De Cacao, Mahogany, Tugas at marami pang iba . Nakakatulong kasi ito upang mapigilian ang paguho ng lupa kapag maulan at may baha. Agad naman sumang-ayon ang lahat na residente para mapanatili ang kagandahan at kaligtasan ng lugar.

NTy4GV6ooFRmaCXZ8UYgPhoud1kjiNX8QokLEZtbBKLuLWQ9yt7K3o4Hh1mG54z6pmQ6eUihryQVNMknJf7b7zi8oGpUdyDSbrvbtLovwjsjEKME7HLu3SkBb85LXhTkoUzrypAiWfdViBkbrzRhTL1kmD5siTwJKA8jvnVt.png

At para maayos na makadaan ang mga tao papunta sa ilog ay gumawa din ng daanan ang barangay. Ang daanan na ito ay papunta sa ilog at para sa kanila, malaking tulong na ito para makadaan sila ng maayos papunta sa ilog para maligo o di kaya ay maglaba. Nilagyan ito ng buhangin at mga bato para hindi madulas at walang putik at inalis ang mga damo at maliliit na mga punong-kahoy kahoy at ginamitan ng makinarya para madaling matapos.

NTy4GV6ooFRmaCXZ8UYgPhoud1kjiNX8QokLEZtbBKLuLWQ9yt7K3o4Hh1mG54z6pmQ6eUihry67oH81ZEajLW73NH4fXxjx7TthXT9Ga32QFtXraay67RUv1bB3H3iUeYWLBjJFXURsGF1k6g2iAnPYi2BgqGztWstznu3k.png

Napansin ko rin itong kong saan may hukay na ginagamitan ng biak na balde at napapalibutan ng mga malalaking bato. ATABAY ang tawag namin dito. Nililimasan lang ito hanggang sa maging malinis na ang tubig sa loob nito. Gumagawa din kami nito malapit sa aming bahay at doon kami kumukuha ng tubig para pangsaing, panglinis ng bahay, pangluto at pagpapakolo ng tubig.

Nakakamangha at napakasaya kapag namumuhay tayo ng simple at payapa. Walang gulo, walang maingay at sariwa o presko ang hangin na malalanghap natin kapag nasa Probinsya tayo.

Nais kong imbitahan sina ate @jurich60, ate @amayphin at @jessmcwhite para sa isang taalarawan at ang 25% mula sa post kong ito ay ibabahagi ko sa @null.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!