The Diary Game Season 3 (01-06-2021) | Ang Pagbisita Ko Sa Bahay Nang Aking Kaibigan.

in hive-195150 •  4 years ago 

Isang Maganda pero Maulan na araw sa ating lahat!!!

Isang buong araw na naman ang nakalipas na ating ipagpasalamat sa Dios dahil sa walang sawa niyang pag aalaga at pagmamahal sa ating lahat kaya nararapat lamang na siya ay ating pasalamatan.

Ngayong araw nga na ito ay bibisita muna ako sa bahay nang aking kaibigan na matagal tagal na rin na hindi ko nakita dahil sa nagtrabaho ito sa malayo. Sa kabila nang lagi nalang umo ulan nagpatuloy pa rin ako sa pag punta sa kanila.


20210107_204504.jpg


Sisimulan natin ang araw na ito nang mga nasa 4:40 nang umaga kung saan ako ay nagising nang biglang nag ingay ang mga aso dahil sa sasakyang dumaan na napaka lakas nang tunog. Noong nagising na nga ako ay hindi na ako bumalik sa pag tulog kaya nagdasal ako sa Dios at nagpasalamat sa bagong araw na ito. Pagkatapos ay bumangon na rin ako para makahanda na sa pagluluto nang aming agahan.

Ang niluto ko naman sa araw na ito ay ang piniritong itlog at ginisang ampalaya na alam naman natin na isa sa aking paborito. Natapos ako sa pagluluto nang mga nasa 6:30 nang umaga at medyo maaga naman siya kaya ako ay nag asikaso muna sa aking mga alagang manok at pagkataposz noong mga nasa 7:00 nang umaga ay kumain na rin kami.


IMG_20210107_133624.jpg

IMG_20210107_125524.jpg


Noong mga nasa 8:45 nang umaga nga noong natapos ko na rin ang iba ko pang mga gagawin ay nagdesisyon akong mag punta muna sa bahay nang aking kaibigan. Mga nasa 9:00 umaga ako naka alia sa aming bahay at nakarating sa kanilang barangay nang mga 9:30 nang umaga at ang sinakyan ko ay ang motor pero medyo malayo pa ang kaniyang bahay at hindi ko alam kung saan kaya nagpasama nalang ako.

Noong papunta na nga ako sa kanila ay medyo masama ang panahon at bakas ang lakas nang ulan sa kanilang lugar dahil sa napaka putik nang daan ay nasira na kasi hindi pa sementado ang daan dito. Nakita din namin sa daan na ang mga residente ay nagtulong tulong upang malagyan nang mga bato ang mga nasirang daan upang maibsan ang hirap pero sa tingin ko, mahirap parin ito daanan.


IMG_20210107_130422~2.jpg

IMG_20210107_131207.jpg


Nakarating ako sa bahay nang aking kaibigan nang mga nasa 10:00 na nang umaga kahit na medyo mahirap ang daan dahil sa ulan, nakarating pa rin ako na ligtas kaya laking pasasalamat ko sa Dios.

Pagdating ko din doon ay nakita ko ang mga anak nang aking kaibigan na naglalaro. Tandang tanda ko pa noong,sobrang liit pa nila pero ngayon ang lalaki na at ang likot, lagi lang tumatakbo lalong lalo na yong bunso na si Ezra. Nagpahinga muna ako nang kunti at pagkatapos ay walang sawa na kaming nag kwentohan dalawa dahil nga sa medyo matagal na rin na hindi kami nagkita. Buong mag hapon ako sa kanila at noong mga nasa 4:00 na nang hapon at sakto din dahil wala nang ulan, oras na upang ako ay maka alis at maka uwi baka kasi umulan pa nang malakas at naka uwi naman ako sa amin nang mga nasa 4:50 na nang hapon at nasa ligtas na sitwasyon.

Sa kabuoan ay naging maganda ang aking buong araw dahil sa wakas, makalipas ang matagal na panahon ay nagkita na rin kami nang aking kaibigan, kaya talagang salamat sa Dios.

At ito lamang ang aking maibabahaging #thediarygame para sa inyong lahat sa araw na ito at hanggang sa susunod na araw uli, paalam.

Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri. 😇🙏☝

Maraming salamat kay @steemitblog, @steemcurator01, @steemcurator02, @steemcurator08 at sa lahat nang Team Steemit para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  
Saludos, desde tierras aztecas.

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Manually curated by @jasonmunapasee

r2cornell_curation_banner.png

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja